Historian Ambeth Ocampo meets the netizen who looks like his late mother

-

Personal nang nagkita ang historian na si Ambeth Ocampo at ang netizen na si Veronica Balayo, na siyang sinasabing may “resemblance” umano sa foto-óleo ng ina ni Ambeth na si Belen Ocampo. 

Matatandaan na kamakailan lamang ay nag-viral sa social media ang Tiktok video na ini-upload ni Veronica kung saan makikita ang side-by-side picture nito sa foto-óleo ni Belen na naka-display sa National Museum. 

“Am I her reincarnation?” saad ni Veronica sa kanyang video. 

Samantala, nito lamang February 4 ay nag-upload sa Instagram si Ambeth ng kanilang photo ni Veronica.

“Veronica Balayo from Davao visited the National Museum, saw my mother’s photo-oleo, noticer an uncanny resemblance and asked if she was reincarnated,” wika ni Ambeth sa kanilang photo ni Veronica. 

Kasabay nito, sa exclusive interview ni Ambeth sa programang “Kapuso Mo, Jessica Soho” ay nabanggit din ng historian ang ilang similarities nina Veronica at Belen.

“Nagtayo siya ng isang botanical garden, mahilig siya magluto,” paglalarawan ni Ambeth sa kanyang ina.

“‘Yung mga kaibigan ko, ‘pag bumibisita sila sa bahay, ako talaga ‘yung assigned na magluto [para] sa kanila,” pahayag ni Veronica.

“Nung pandemic, nung nawalan ako ng trabaho, nagtatanim-tanim ako ng mga halaman,” dagdag pa ni Veronica. 

Maliban pa rito, ayon kay Veronica, halos pareho sila umano ni Belen na mahilig sumali sa mga pageants.

“When I was 17 and 18 years old, I actually joined pageants. Nakaka-tindig balahibo na also, Ms. Belen joined Ms. Philippines, which was also my dream before,” pagpapatuloy pa niya.

Ayon naman kay Veronica, isang karangalan sa kanya na ma-meet sa personal si Ambeth.

“I feel so honored to meet someone who’s part of Philippine history,” wika naman ni Veronica matapos personal na ma-meet si Ambeth.

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE