Anne Curtis recalls having a moment with IU: ‘A moment I’ll forever treasure’

-

Tila isang unforgettable moment para sa aktres at TV host na si Anne Curtis ang kanilang interaction ng South Korean singer na si IU.

Ito ang inihayag ni Anne makaraang mag-upload ang isang netizen ng picture nila ni IU.

“IU. The gift that keeps on giving,” sey ni Anne sa kanyang post sa social media platform na X. 

“So true mhie!!!!!” wika naman ng isang netizen at ini-upload nito ang picture ng interaction ni Anne at IU.

“A moment I’ll forever treasure,” wika ni Anne sa kanilang photo.

Matatandaan na nauna nang nag-meet sina Anne at IU sa Gucci fashion show na ginanap sa Gyeongbokgung Palace, sa Seoul.

Samantala, matatandaan na kamakailan lamang ay nag-release si IU ng music video kasama ang BTS member na si Kim Taehyung o mas kilala bilang “V,” para sa kanyang single na “Love Wins All.”

Sa kasalukuyan ay may 21 million views na ang naturang music video at #1 trending for music din ito. 

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE