Two other Pinay trainees to debut in K-pop girl group UNIS 

-

Filipino represent!

Dalawa pang Filipina trainees ang nakatakdang mag-debut sa K-pop girl group na “UNIS,” matapos silang maka-secure ng kani-kanlang debut spot sa South Korean survival show na “Universe Ticket.” 

Ang mga trainees na ito ay sina Gehlee Dangca at ang Filipino-Korean na si Jin Hyeon-ju. 

Sa finale ng nasabing show na umere noong January 17, na-secure ni Gehlee ang kanyang spot bilang 4th member matapos siyang mag-advance sa P-level, ang pinakamataas na ranking sa survival show.

Ipinakita rin sa naturang episode na nakakuha si Gehlee ng 2,464,526 fan votes.

Maliban pa kay Gehlee, itinanghal din si Hyeon-ju bilang eighth member na nakatakdang mag-debut sa UNIS matapos din itong mag-advance sa P-level at makakuha ng 496, 797 fan votes.

Bago pa man sumali sa “Universe Ticket,” kilala na si Hyeon-ju sa K-pop industry matapos siyang mag-debut sa girl group na “Cignature” noong 2020, under sa stage name na “Belle.” 

Samantala, matatandaan na kamakailan lamang ay naging laman ng balita ang isa pang Filipina trainee na si Elisia Parmisano, matapos siyang kilalanin bilang kauna-unahang Filipina na naka-secure ng debut spot para sa nasabing K-pop girl group.

Sa kabuuan, tatlong Filipina ang nakatakdang mag-debut sa UNIS, under F&F Entertainment.

Sa kasalukuyan naman ay hindi pa inire-reveal ang debut date ng naturang grupo.

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE