Jericho Rosales shares old paper dolls of him and Heart Evangelista

-

Tila maraming netizens ang naka-relate sa nostalgic video na ini-upload ng aktor na si Jericho Rosales tampok ang ilang mga lumang paper dolls.

Sa kanyang Instagram stories, makikita ang ilang mga lumang paper dolls nila ni Heart Evangelista. 

“Outfit check! @imhearte,” sey ni Jericho sa kanyang story. 

Kasabay nito, ipinasilip din ng aktor ang kanyang lumang haircut sa ilang mga posters.

“Bago ako nainlove sa barbershops,” saad pa niya. 

Ikinatuwa naman ng ilang Batang ‘90s ang mga videos na ini-upload ng aktor. 

“Nakakamiss yung mga laruan noon kahit papel lang pero malaking bagay samin nun,” komento ng isa. 

“Paper dolls… Mga kaligayahan naming mga bata noon,” dagdag pa ng isa. 

“Ung piso mo imbis na candy ito yung binibili mo tapos pagandahan kayo ng outfit doll ng kaklase mo,” hirit naman ng isa. 

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE