43-year-old Allan Velez, a policeman, recently went viral on social media after sharing cute and genuine moments with his 4-year-old daughter, Baby Alexis.
Thanks to Mommy Jeny, 33, for always being camera ready all the time!
“Noon pa man po, sobrang hilig ko na po talagang mag-video, mag-picture. Syempre first time mom po, lahat excited sa journey ng mga babies. Lahat talaga, dino-document ko tapos nag-start po kami sa TikTok. May mga video po ako na iba po talaga ‘yung closeness nila,” Mommy Jeny told The Philippine STAR.
“Mahilig din po kasi si mommy [mag document], sa milestone ng anak namin. Syempre nag-iisa lang ‘yan. Pagdating ng araw, siguro ‘pag may isip na siya, makikita naman niya lahat ‘yon,” Daddy Allan echoed.
According to the couple, Baby Alexis is an answered prayer, because they had been trying to conceive for almost six years.
“Mahirap po kasi talagang makabuo ta’s ‘yun po, nagpa-workout po kami. May mga ininom po kaming medicine, vitamins. Nagpapayat po talaga kami, healthy lifestyle po. Lahat po as in talagang ginawa po namin,” Mommy Jeny said.
They also recalled one of the most challenging days and moments of their relationship.
“Nawalan na po kami ng pag-asa. Nag-usap na rin po kami na it’s okay na wala, okay rin naman meron kung bibigyan po.May time po talaga na nakakalungkot, tapos bibiruin ka pa ng mga kaibigan mo kasi hindi nila naiisip ‘yung nararamdaman n’yo. ‘Sinong baog?’ ‘Ang bagal n’yo naman gumawa,’” she said.
“Nung mga una, okay lang, eh. Kasi sabi ko, makakabuo rin naman kami. Pero later on, habang tumatagal ‘yung taon, parang deep inside, nasasaktan na ‘ko. ‘Di nila alam nakakasakit na at nakaka-pressure na,” she added.
Daddy Allan and Mommy Jeny also recalled a moment when they decided to adopt a child.
“Nagtatampo nga po ako dati, eh. Dahil ‘yung iba, wala na ngang mapakain, ang dami-daming anak. Samantalang ako, kung tutuusin, kaya ko naman kaya lang parang wala,” Daddy Allan said.
“May lumapit po kasi sa’min na friend po namin na may friend daw po siya na manganganak. Willing po silang ipa-adopt.Siya po kasi, ‘Sige, go, kasi kawawa rin naman ‘yung bata,’” Mommy Jeny shared.
Until Mommy Jeny got pregnant in December 2018. Saying “Nung nakita ko po, iba po talaga ‘yung feeling. ‘Di ko ma-explain pero naiyak po ako.”
“Tuwang-tuwa po ako. Sabi nga niya, ay ‘wag daw muna naming sabihin kaya lang hindi talaga pwede, eh. Sabi ko sa mga kasama ko, ‘Humanda kayo, ah. Alam na, ninong na kayong lahat niyan,’” Daddy Allan stressed.
During her pregnancy, Mommy Jeny was on bedrest due to her PCOS condition. That’s why Daddy Allan was extra careful with his wife and daughter.
“Sabi nga nila, ‘In God’s perfect time’ po, naniwala din po kami du’n. Talagang kung ibibigay para sa inyo, para sa inyo ‘yun,” she noted.
Baby Alexis was born on September 4, 2019. The couple said that their daughter is their life’s greatest blessing.
“Sobrang happy po namin na finally nga po, ‘yung matagal na po naming hinihintay. Kaya nung lumabas po ‘yung baby namin, nagmamadali nang umuwi. Bubuhatin po kaagad niya. Sabi niya, ‘Wag ka nang mag-alala sa lahat ng gawaing bahay, mag-focus ka kay baby.’ Siya po talaga ‘yung naglalaba, nagluluto,” Mommy Jeny said.
Mommy Jeny and Daddy Allan have a message to fellow couples who are struggling to have an offspring.
“‘Wag po silang mawalan ng pag-asa. Lagi po tayong magpi-pray. Lahat po ‘yan nakaplano, pinlano ng Diyos. ‘Wag lang po tayong susuko at tulungan po natin ‘yung sarili natin. ‘Tsaka ‘wag po tayong mapi-pressure dahil minsan kasi ‘yung nasa paligid natin, ‘yun po ‘yung nakakadagdag stress and pressure na din. Kaya kung ano lang po ‘yung kaya ng katawan n’yo, kung ano lang po ‘yung kaya ng isip n’yo, ‘yun lang din po ‘yung sundin n’yo,” Mommy Jeny said.
“‘Wag nilang sasarilihin. Dapat mag-seek pa rin sila ng medical help kasi hindi natin alam ‘yan eh,” Daddy Allan added.