Netizen receives iPad Air from friend as a Christmas gift

-

Maraming netizens ang nag-react ng “sana all” makaraang i-share ng social media user na si Jepoi ang natanggap niyang Christmas gift mula sa kanyang kaibigan. 

Sa kanyang viral tweet, makikita ang iPad na regalo ng kanyang friend. 

“My Bestfriend gave me IPAD Air 256gb as christmas gift, [sige] paano ko ngayon matatanggap ang bare minimum kung [yung] kaibigan ko nga hindi ako tinitipid. Ang saya ng puso ko. Ang swerte ko sa kaibigan,” pahayag ni Jepoi.

Aniya, halos five years na rin umano silang magkaibigan.

“He was a good friend since I started working in 2017. Ka-trabaho ko siya then ayun [hanggang] sa sabay nag resign sa previous work. We remain friends. Until now,” kwento nito.

“[It was] just a gift for Christmas [kasi] stress na daw kasi siya wala sya maisip na gift sa akin and hindi rin siya mapapakali pag di yan ang binigay niya sakin. Ang bungad niya nga sakin is ‘may kasalanan ako’ kasi he knows na magagalit ako pag gumastos na naman siya for me,” pagpapatuloy niya. 

Kwento niya, naging kaugalian na rin nilang magkaibigan na magbigay ng iba’t ibang gifts sa isa’t isa.

“We used to buy gifts for each other even nung mga previous years. We use to buy things na napagku-kwentuhan namin na gusto namin pero syempre hindi namin binibili kasi nga may ibang priorities. This year I gave him Airpods Pro kasi gusto nya yun. Then ayun di nagpatalo binilhan nya ako ng iPad,” dagdag niya pa.

Ngunit ayon naman kay Jepoi, hindi umano siya materialistic na tao. Kasabay nito, sinabi niyang naa-appreciate niya rin ang kanyang mga kaibigan.

“My friends know na sobrang independent kong tao. I always say na ‘I can buy’ kasi ganun ako eh pag may gusto ako paghihirapan ko. Hindi sa materialistic akong tao. Ganun kasi mindset ko since ganun kami pinalaki. I’m just beyond grateful kasi may friend ako na vina-value ako ng sobra,” pagbabahagi niya.

“Again this is not because of material things. Hindi natin kailangan ng kaibigan na bibilhan tayo ng ganto pero kung meron bakit hindi. HAHAH! Sapat na yung totoo at anjan for us and for me that’s the best gift ever,” pagpapatuloy pa niya.

Kanya-kanyang komento naman ang mga netizens sa naturang post ni Jepoi.

“Isang malaking sana all lang talaga! Pwede bang [makipag] kaibigan din sa mga friends mo,” wika ng isang netizen. 

“Sana lahat ng friend ganyan,” hirit pa ng isa.

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE