‘Asawa muna bago lahat’: Marian Rivera shares story behind her wallpaper picture 

-

Ini-reveal ng aktres na si Marian Rivera ang kanyang malalim na rason sa pagse-set ng kanilang litrato ng asawa at aktor na si Dingdong Dantes bilang wallpaper sa kanyang cellphone.

Sa vlog ng entrepreneur at social media personality na si Anna Magkawas kung saan ginawa nila ang “exclusive bag raid” ay tila napansin ni Anna ang wallpaper ni Marian. 

Ayon sa aktres, nais niya umanong ma-remind ang sarili na gawing priority ang kanyang asawa.

“Siyempre may wallpaper ako… asawa ko. Ang asawa ko, ang wallpaper niya ay pamilya namin ta’s tinatanong niya ako, ‘Bakit [ang] wallpaper mo, tayong dalawa lang?’ Sabi ko, gusto ko ma-remind yung sarili ko na bago ang lahat, si Lord tapos ikaw yung sunod and then mga anak ko,” pahayag ni Marian.

“Kasi ‘di ba minsan kapag mag-asawa tayo parang nakakalimutan natin yung worth ng mga partner natin kapag may anak na tayo,” dagdag pa nito.

Sey pa ni Marian, kahit palaging nasa mga anak nila ang kanyang atensyon ay ni-minsan ay hindi siya nakarinig ng “reklamo” mula kay Dingdong.

“So parang napansin ko kasi nung habang nagpapalaki ako ng mga anak, nawala talaga yung asawa ko na parang hindi siya yung atensyon ko, nandun lahat sa mga anak ko. Pero sa kabila ng atensyon ko na binibigay sa anak, ni isang reklamo walang ginawa yung asawa ko,” kwento niya.

“Tapos nung medyo malaki na, parang dun ko na-realize na ‘Ay, mali yata.’ Na parang alam mo ‘yun nakatutok lang ako sa mga anak,” pagpapatuloy niya.

Kasabay nito, nagbigay din ng advice si Marian para sa mga married couples.

“So, sa may mga asawa diyan, okay lang na ibigay ang lahat ng pagmamahal pero tandaan natin, asawa muna bago ang lahat,” paalala ni Marian.

“‘Di ba sabi nga nila, God muna and then your spouse and then your children and then your family and then others,” wika pa niya.

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE