Jessy Mendiola highlights importance of doing self-care for moms

-

Idinetalye ng celebrity mom na si Jessy Mendiola ang significance ng self-care para sa mga mommies, makaraang mapag-usapan nila ito ng kanyang asawa na si Luis Manzano.

Sa latest vlog ni Luis ay naitanong nito kay Jessy kung gaano ka-importante kay Jessy ang pagkakaroon self-care as a mom.

“Gaano ka-important sayo, and I guess for other moms, yung self-care para sayo? Because parang ngayon, everyone is talking about you, na it’s a whole new different Jessy nakikita nila, parang super fit mama, ikaw, you’re actually telling people na, you know, even you have a kid, you’re busy, it’s very important, self-care mentally, physically. So sayo, gano ka-important yon bilang isang mommy?” tanong ni Luis. 

Pag-amin ni Jessy, halos ngayon na lamang din umano siya natutong mag-self-care, para na rin aniya maalagaan niya ang kanilang family.

“Well, bilang si Jessy, importante talaga ’yun sa’kin. Actually, ngayon na lang din ako natuto talaga mag-self-care eh. Kasi nung single pa’ko, nung bata pa’ko, parang hindi ko laging nabibigyan ng oras ’yung sarili ko to just you know, sit and to settle my thoughts. Or kunwari, to really feel what I have to feel or how I’m feeling,” paliwanag niya.

“Ngayon, kaya siguro I give that vibe na ‘Uy talagang may self-care si Jessy’ ganyan. Kasi pa’no mo naman nga aalagaan ’yung pamilya mo kung hindi mo kayang alagaan ’yung sarili mo?” pahayag nito.

“Sa mga nagsasabi na ‘Uy wow, nagwo-work out siya, nagpapayat siya’ ganyan ganyan, hindi ko talaga napansin na pumayat ako. Parang one day nagulat na lang ako. ’Ay ganito na pala ‘yung timbang ko,’” dagdag pa niya.

Kwento pa ng naturang celebrity mom, hindi naman ibig-sabihin na dahil nagse-self-care ay hindi na agad mabuting ina.

“I don’t like lang yung pag may mga tao na sinasabi na ‘ay, hindi siya mabuting ina kasi lagi siyang maganda,’ o kaya ‘lagi siyang nag-aayos.’ May ganon. Yung ‘alam mo, parang hindi siya hands-on kasi tignan mo oh, ang arte-arte niya, may time siya mag TikTok, may time siyang magpapayat,” wika niya.

“’Yung parang, bakit ganon? Kailangan ba, ang itsura ng isang ina, haggard? Kailangan ba ang itsura ng isang ina, yung stressed lagi? Parang hindi ba pwedeng we could be both?” pagpapatuloy pa nito.

“Na minsan, masaya kami, minsan pagod kami? ’Di ba? Parang may times na nakikita niyo naman din sa ibang videos ko, sa ibang vlogs ko ’di ba, ang haggard haggard ko na, sinasabunutan niya ko, ni Rosie,” pahayag pa nito.

Kasabay nito, nagbigay din siya ng advice para sa mga mommies kaugnay sa pag-aalaga sa sarili.

“Ang advice ko sa mga mommies na nape-pressure bumalik sa dati nilang katawan, or mag-lose ng weight, or yung magmukhang fresh lagi or maganda, just take your time,” payo naman ni Jessy.

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE