Eric Fructuoso claims he had a three-year relationship with Toni Gonzaga

-

Isang revelation ang ibinunyag ng aktor na Eric Fructuoso patungkol sa naging relationship umano nila ng TV host actress na si Toni Gonzaga sa cooking talk show ng GMA Network na “Sarap ‘Di Ba.”  

Sa segment na “Kwento o Kahon,” ay itinanong ng host na si Carmina Villaroel ang kanyang “hot seat question” para kay Eric. 

“Totoo bang nagka-relasyon kayo noon ng TV host actress na si Toni Gonzaga?” tanong ni Carmina. 

“Parang ’di ko inexpect yon ha. Teka, Toni… Toni Gonzaga?” sagot naman ng aktor. 

“Oo, meron,” sey pa niya.

“Ah so nagkaroon kayo ng relationship?” tanong pa ni Carmina.

“Yes,” pag-kumpirma naman ng aktor.

Kwento pa ng aktor, halos three years umano ang itinagal ng kanilang relationship ni Toni.

“Sandali, so gaano kayo katagal?” tanong ni Carmina.

“Siguro rough estimate, lahat-lahat, kasama na ‘yung wala lang tyaka yung may commitment, siguro mga three… three… almost three years, mga ganon,” pag-amin naman ng aktor.

“Ang tatagal ng relationship mo ha,” komento naman ni Carmina. 

Ani Eric, hindi naman siya umano “chick boy” at minamahal niya rin umano ang kanyang mga nagiging girlfriend. 

Nang tanungin naman ni Carmina kung ano ang karaniwang reason ng break up nila ng kanyang mga past girlfriends, sinabi ni Eric na “nagigising sila sa katotohanan.” 

Paglilinaw naman ni Eric, mas nauna silang magkaroon ng relationship ni Claudine Baretto kaysa kay Toni. 

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE