Maja Salvador on having a baby with husband Rambo Nuñez: ‘We’re ready’ 

-

Kapamilya actress na si Maja Salvador, inihayag na ready na umano silang magkaroon ng baby ng kanyang asawa na si Rambo Nuñez.

Ito ang sinabi ni Maja makaraan siyang interviewhin ni Ogie Diaz sa ginanap na ABS-CBN Ball kamakailan. 

“Tinanong ko siya kung kailan na ba silang dalawa madadagdagan ng isa,” saad ni Ogie sa kanyang vlog.

“Kung kelan ibigay… I’m turning 35 this year. 20 years na akong yumuyugyog nang yumuyugyog. Sayaw dito, sayaw doon, acting ’di ba?” sagot naman ni Maja.

Sey pa ng aktres, matagal na umano silang nagta-trabaho ni Rambo para sa kanilang future.

“So, ako naman if may work, work. Pero ’pag ibigay na ni God ’yung blessing na ’yun na magka-baby kami, anytime soon syempre,” dagdag pa nito.

“’Di ba parang ang tagal naming nagtrabaho nang para sa amin, sa future. So, this time pwede ibigay anytime. We’re ready,” pagpapatuloy pa ni Maja.

Matatandaan na ikinasal si Maja sa kanyang asawa na si Rambo noong July 31, 2023 sa Bali, Indonesia.

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE