Rendon Labador recovers Facebook page; ‘forgives’ Vice Ganda

-

Masayang inanunsyo ng social media personality at self-proclaimed motivational speaker na si Rendon Labador ang pagbabalik ng kanyang Facebook page.

Kasabay ng kanyang pag-anunsyo ay ang pag-share din ni Rendon ng kanyang mga formal photos.


“I’m back!!! Namiss nyo ba ako? Kumusta kayong lahat, Pilipinas??? Lablab muna tayong lahat, ayos ba? #LabLabLabador,” sey nito.

“Sarap pala sa pakiramdam na nag bago na,” chika pa nito sa comment section ng kanyang post.

Matatandaan na noong Setyembre ay shinare ni Rendon na tila “paralisado” siya sa biglaang pagka-delete ng kanyang Facebook page.

“Pasensya na sa lahat ng taga-suporta natin at kasalukuyan na hindi ako makapaniwala at nagulat sa pagkawala ng aking Facebook page,” saad niya sa kanyang Instagram story nang i-anunsyo niya ang pagkawala ng kanyang page. 

Maliban pa rito, matatandaan na nauna ring na-ban ang TikTok account ni Rendon at na-disabled din ang kanyang Google account. 

Rendon says he now forgives Vice Ganda

Kasabay naman ng pagka-retrieve ng kanyang Facebook page noong Lunes, nag-react si Rendon sa pag-name drop sa kanya ng TV host na si Vice Ganda sa show nito na “Everybody Sing” na umere noong Linggo, October 1.

Sa episode ng naturang programa, kumanta ang vocalists ng OPM band na Ben&Ben na sina Miguel at Paolo Benjamin ng maling lyrics sa kanilang hit song na “Araw-Araw” upang pahulaan ito sa mga contestants.

“Mahiwaga babasagin ka sa araw-araw,” saad nina Miguel at Paolo.

Dito ay minention na ni Vice si Rendon.

“This song is brought to you by Rendon Labador,” biro naman ni Vice. 

Ani naman Rendon, “pinapatawad” niya na umano si Vice.

“Pinapatawad ko na si Vice sa mga nagawa niya. Lab lab muna tayong lahat #LabLabLabador. Huwag mo nalang sana uulitin at sana mag public apology ka parin para sa taumbayan at para sa kabataan #stayMotivated,” pahayag naman ni Rendon. 

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE