This 52-year-old mother from Tondo, Manila is currently on her travel is life era!
Mommy Leah Lipa started traveling in her 50s after working and taking care of her family for quite some time.
“Nag-start ako mag-solo travel kasi gusto ko talagang mag-travel even before. Kaya lang hindi ko magawa kasi I have three kids. Ang focus ko noon ay ‘yung mga anak ko. Feeling ko, ‘yung free na free ako,” Mommy Leah told The Philippine STAR.
“‘Yung sarili ko na lang inaasikaso ko kasi all this time talaga, mula nang magkaanak ako, talagang binuhos ko na sa mga anak ko, oras at panahon ko, pati pera. Lahat talaga. Ngayon na nagsosolo-travel ako, talagang looking forward ako, kasi nga feeling ko doon lang ako nagkakaroon ng time for myself,” she added.
She started traveling locally in 2022 in Cebu and Bohol.
“Masaya, parang free ako, wala akong iniintindi, walang mga anak na aasikasuhin, walang bahay na lilinisin, walang trabaho. Na-enjoy ko talaga nang sobra,” she noted.
Mommy Leah admitted that at first, she had fears and reservations about going on solo adventures.
“Medyo ninenerbyos kasi takot din ako minsan sa strangers eh. Kasi baka mamaya may mambabastos. Alam mo ‘yon, basta may mga fears na ganoon. ‘Pagkasakay ko ng eroplano, nae-excite na ako. ‘Pag pagbaba ko sa lugar, medyo nagwo-worry na ako. ‘Ano kayang mangyayari sa akin?’ Pero once na mag-start na ako ng tour, nakalimutan ko na lahat. Pati mga anak ko, nakalimutan ko na,” she shared.
Her children also tried to talk to her about doing solo traveling as there could be risks of being alone.
“Ang ginagawa ko din para makomportable sila, naka-[Find My] ako sa kanila tapos bago ako umalis binibigay ko ‘yung contact person kung sino ang kausap ko doon. May picture din akong sine-send kasama ‘yung tour. Para kung mawala ako, may mangyari sa akin, ito ang hanapin n’yo,” she said.
After her first domestic trip, Mommy Leah then started traveling abroad in September 2022.
“Sabi ko kung kinaya ko nang dito lang sa atin, I’m sure kakayanin ko. Ang una kong piniling lugar is ‘yung for me na safest. Singapore. I believe, Singapore ang parang pinaka-safest na i-travel ng mga baguhang kagaya ko,” she recalled.
“Ang lakas ng loob ko nag-DIY din ako talaga. Pagdating ko roon, medyo ‘yung first day ko parang gusto kong umiyak. Hindi ko alam paano ako makakapunta doon sa ganoong lugar. Hindi pa ako marunong gumamit nung train nila and all pero nakuha naman sa pagtatanong. Since then nag-start na, sabi ko ‘Ah, kaya ko naman pala,’” she added.
Mommy Leah said that traveling alone is her way to enjoy her remaining time for herself after working so hard for her family. That is why she is also thankful to her children for letting her seek some adventure alone.
“Ngayon na nagso-solo travel ako, talagang looking forward ako. Hindi ko naman pinagsisihan ‘yung mga ginawa ko for them (her children) kasi alam ko, responsibility ko naman ‘yun.Gusto ko itong gawin noon pa kaya lang hindi ko magawa. Sabi ko, pwede pa naman siguro ako maka-habol,” she stressed.
“Kung wala akong pera, hindi ako aalis. Hindi ako manghihingi sa mga anak ko. Hindi ko sila problemahin para sa bisyo ko kung tutuusin,” she added.
So far, Mommy Leah already visited Bali, Indonesia, Thailand, Surigao, Davao and Vietnam. She also hopes to travel to her dream destination – the Holy Land.
“May mga limitations na nga din eh like doon sa Bali, ang hirap kasi ang layo ng lalakarin, may mga trekking. Nahihirapan na rin talaga ako. Kaya sabi ko sa mga anak ko, pagbigyan niyo na ako kasi talagang may limitations na. Marami nang hindi ko magawa unlike before nung bata ako. Kaya pinupush ko talaga, kasi hindi ko masabi, baka bukas makalawa, may rayuma na rin ako. Tapos ‘yung hika ko lalong lumala,” she said.