Feeling grateful at honored ang multi-awarded singer na si Jed Madela makaraang ibahagi niya na ipinangalan sa kanya ang isang grade one section sa Albert Einstein School sa Cotabato.
Sa kanyang Facebook post, proud na shinare ni Jed ang ilang mga pictures mula sa classroom ng naturang section.
“In times when I feel so unimportant and ignored in one corner, my Lord picks me up and gives me the tightest hug,” sey ng singer sa kanyang post.
“I am so honored. Woke up to these photos sent my my friend Manduyog Rashid,” dagdag pa niya.
Tila na-appreciate naman ni Jed ang pagpapangalan ng isang section sa kanya. Chika pa ng singer, nais niya rin umanong mabisita ang naturang school in the future.
“This is from Albert Einstein School in Cotabato where they named Grade One under me! I’m so happy!!! Sending my my love and thanks to Sir Edison, the faculty and the students! Hope to visit you in the future!!!” mensahe pa niya.
Hirit naman ng mga netizens sa post ng singer, deserve ni Jed ang pagkilala na ito.
“Wow! I thought it was just a meme hehehe dasurv mo yan Jed,” komento ng isang netizen.
“Well deserved. He is a world class artist that championed for the Philippines,” sey pa ng isa.
Kaugnay naman nito, matatandaan na nag-uwi ng 6 gold medals si Jed sa World Champion of the Performing Arts (WCOPA) na ginanap sa Hollywood, California noong 2005, kung saan din siya pinarangalan bilang “Grand Champion Performer of the World.”