ALAMIN ANG SIKRETO NG PANADERYANG NAGBIBIGAY NGITI SA PAMILYANG PILIPINO

-

ANG PANADERYANG MAY HATID NA NGITI SA BAWAT PINOY ARAW-ARAW

Sa affordable na halaga, talaga namang napapangiti ang bawat Pinoy sa mga malinamnam na tinapay na hatid ng Big Smile Bread Station.

Kaya naman mapa-commuter, estudyante, o empleyado man ay paboritong-paborito ang Big Smile Bread Station dahil kahit nasaan ka man at anumang oras ay swak na swak na kainin ang mga tinapay na mabibili dito – almusal man, daily baon, merienda o pasalubong.

Basta mura pero de kalidad na tinapay, Big Smile product ‘yan, ika nga may “tatak Gardenia” ‘yan! Kakaibang ligaya talaga ang hatid nito sa mga suki dahil hindi rin nakakasawa ang offerings ng Big Smile:

  • All-time favorites na perfect i-partner sa kape at juice

Maaaring mamili mula sa mga Big Smile Favorites na nakasanayan nang kainin ng mga Pinoy. Kabilang dito ang mga tinapay na perfect combo kasama ang mainit na kape sa almusal tulad ng Pandesal, Monay, Torta, Spanish Bread, at Mamon.

Kung dati rati’y tuwing umaga lamang nabibili sa mga panaderya ang paboritong pandesal, ngayon, puwede nang kainin ang Big Smile Pandesal anytime, anywhere! Ito’y garantisadong sobrang lambot at sa amoy pa lang, alam mong fresh from the oven talaga. Perfect din na kainin sa almusal ang Big Smile Monay lalo na kung ang hanap mo ay tinapay na siksik sa sarap at may katamtamang tamis na talaga namang nakakatakam.

Kung bigla namang mag-crave sa cake, hindi kailangang gumastos ng malaking halaga dahil mabibili rin dito ang Big Smile Torta. Siguradong sakto sa panlasa ang sarap at linamnam nito. Magdadala rin ng ngiti ang Big Smile Spanish Bread dahil bukod sa malambot ito, puno rin ito ng matamis at buttery na filling. Mas naging perfect pa ang texture nito dahil sa bread crumbs sa ibabaw! Maliban dito, mayroon ding Big Smile Mamon na sulit na merienda dahil sa lambot at sarap na perfect na kapares ng paborito mong juice.

  • Para malaki ang ngiti, dapat mag-“Say-Cheese”

Para sa mga mahilig sa tinapay na may cheese, pwede mong araw-arawin ang pagbaon ng Cheese Ensaymada, Cheese Ensay-mamon at Cheese Buns ng Big Smile dahil talaga namang hindi nakakaumay sa sarap.

Ang Big Smile Cheese Ensaymada ay may generous mixture ng sugar, margarine at grated cheese sa ibabaw. Para naman sa kakaibang sarap, nandyan ang Big Smile Cheese Ensay-mamon na may toppings na mala-ensaymada. ‘Di rin papahuli ang Big Smile Cheese Buns na siguradong mapapa-Big Smile ka rin sa kilig cheesy sarap.

  • Happy Filling Breads at Sweet Desserts na pasok sa budget!

Kapag big ang ngiti, ibig sabihin happy ang feeling, kaya exciting ding masubukan ang Happy Filling breads at Sweet Desserts ng Big Smile na pasok talaga sa budget.

Kabilang dito ang Big Smile Sekretarya na may manamis-namis na palaman gayun din ang Big Smile Crinkles at Big Smile Chocolate Cupcake na tamang-tama para sa mga may sweet tooth o mahilig sa matatamis na pagkain. Bawat kagat, siguradong mapapa-Big Smile ka sa happy goodness na dala nito!

Basta Big Smile, napakasulit pagdating sa freshness at sarap

Garantisado rin ang freshness ng mga tinapay sa Big Smile. Araw-araw niluluto ang mga ito sa isang central commissary. Ang mga Big Smile bread ay pre-packed din individually kaya maaari ito dalhin mapa-baon sa eskuwelahan, sa trabaho o maging pasalubong man, puwedeng-puwede!

Available ang Big Smile products sa 34 stores na makikita sa Quezon City, Mandaluyong, Caloocan, Valenzuela, Taguig at Pateros sa Metro Manila at sa mga kalapit na probinsya sa Luzon gaya ng Bulacan, Rizal, Batangas, Cavite at Laguna. Kahit saan ka man pumunta, lagi kang uuwi with a big smile!

Maaari ring bumili ng Big Smile products na gaya ng Cheese Ensaymada, Torta, at Spanish Bread sa select Puremart at Ministop outlets sa Metro Manila.

Affordable na Big Smile Dealership Program

Samantala, sa mga gustong magsimula o magpalawak ng kanilang negosyo, bukas ang Big Smile Bread Station sa dealership kung saan may mga package na mura at pasok sa budget with free franchise, royalty, and marketing fee.

Sa mga karagdagang impormasyon tungkol sa dealership program ng Big Smile Bread Station, maaaring tumawag sa 0998-860-0352 / 0917-319-8691 or (049) 889-8890 loc. 244. Pwede ring mag-email sa [email protected]

Maaari ring bisitahin ang Big Smile Facebook page sa www.facebook.com/BigSmilePH para sa latest promos at updates.

Latest

YOU MAY LIKE