Janine Gutierrez nakaahon sa pagiging pa-tweetums

-

BY DEBBIE CASTILLO

Matapos makasungkit ng Best Actress trophy sa ginanap na 2019 QCinema International Film Festival (Asian Next Wave Competition), happy si Janine Gutierrez dahil nakapasok sa shortlist ang pelikula nila ni Benjamin Alves na Dagsin sa Oscars’ International Film Feature Category. Sadly, ang pelikulang Verdict ang napisil ng Film Academy of the Philippines (FAP) para ipadala sa pagpipilian sa Oscars.

Bukod dito, bibida rin si Janine sa upcoming romantic-comedy film na If We Don’t Make It na pagtatambalan nila ni Paulo Avelino.

Sa lagay naman ng kanyang puso, masaya ang estado ng relasyon nila ni Rayver Cruz, although wala pa ring pag-amin ang dalawa. Madalas silang mag-travel abroad at i-enjoy ang isa’t isa habang hindi pa sila busy.

Anyway, first Best Actress award ni Janine ang natanggap sa QCinema para sa mahusay niyang pagganap sa pelikulang Babae at Baril na idinirek ni Rae Red. Ayon sa mga nakapanood, kakaibang Janine raw ang nakita nila habang umaarte. Hindi na raw pa-tweetums ang image niya sa Babae at Baril gaya ng mga nauna niyang role sa mga teleserye.

Janine in a scene from Rae Red’s Babae at Baril.

“Para sa lahat ng babaeng lumaban at patuloy na lumalaban, thank you po,” mensahe ni Janine pagkatanggap ng kanyang trophy.

Umaasa rin siya na magsisilbi itong inspirasyon para sa mga kababaihan. “I’m very grateful for this award, lalo na sa mga taong naniwala at naniniwala sa akin. Iba talaga ‘yung kuwento ng pelikula, ipapakita niya sa ‘yo ‘yung katotohanan na nangyayari dito sa Pilipinas na baka hindi nakikita ng ibang tao.”

Nanalo rin ang Babae at Baril ng Gender Sensitivity Award habang ang direktor naman nitong si Rae Red ay nakakuha ng parangal bilang Best Director.

Bukod sa magandang career at lovelife, meron ding latest achievement si Janine, may ari na rin siya ngayon ng isang nail salon.

Debbie Castillo
Debbie Castillo
Debbie Castillo is Pilipino Star NGAYON’s assistant editor for entertainment. She is also a painter, make-up artist and works with some charitable organizations.

Must Read