Jasmine Curtis-Smith gushes over sister Anne’s pregnancy

Hindi maitago ni Jasmine Curtis-Smith ang pagka-excite sa pregnancy ng kapatid na si Anne Curtis.

Jasmine Curtis-Smith with her ate Anne Curtis. — Photos from Jasmine’s Instagram account

“When a door closes, a huge one opens. IMAAGANNABEATTAAAA. Wahooooo congrats sestra @annecurtissmith (smiling face with heart-shaped eyes emoji),” tweet ni Jasmine sa Twitter.

Kinaaliwan naman ang comment ni Nico Bolzico na asawa ni Solenn Heussaff,  “Please have a boy so he can take care of our baby girl when they go out.

Si Solenn ay kapatid ng asawa ni Anne na si Erwan Heussaff.

Nagpasalamat din si Anne sa overwhelming reaction sa kanyang pagbubuntis: “Thank you everyone for the overflowing love for myself, Erwan and the little one.”

Ang pregnancy ni Anne ang itinuturing nilang second wedding anniversary gift sa kanila ng kanyang asawang si Erwan Heussaff.

Bukas, November 12, ang ikalawang anibersaryo ng kasal nina Anne at Erwan na ikinasal nung November 12, 2017 sa Queensland, New Zealand. 

Sa South Africa naman nag-celebrate ang mag-asawa ng kanilang first wedding anniversary.

Sa kanyang personal blog ipinaalam ni Anne ang kanyang pagbubuntis kahapon.

Inanunsyo rin niya ito sa It’s Showtime kanina na talaga namang ikinasaya ng kanyang mga co-host maging ang madlang people.

Scroll to Top