Zia Dantes slays her Halloween costumes

-

BY DEBBIE CASTILLO

Wala na yatang tatalo pa sa unica hija nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Zia pagdating sa Halloween costume.

Sinimulan ng Dantes Squad ang pagbibihis tuwing Halloween noong 2017 kung saan nagdamit si Dingdong bilang Batman, si Marian bilang Catwoman at si Zia bilang Bat Girl.

Dantes Squad started dressing up for Halloween in 2017 — Dingdong Dantes as Batman, Marian Rivera as Catwoman and their daughter Zia as Bat Girl. Credit: Dingdong Dantes Instagram

Noong nakaraang taon naman ay marami ang humanga sa creativity ng Dantes Squad kung saan nagbihis sila bilang Batman villains — si Dingdong bilang The Riddler, si Marian bilang Poison Ivy at si Zia bilang Joker.

Ngayong taon, unang ibinida ni Zia ang pagiging clown. Ayon kay Marian, gumamit siya ng recycled materials tulad ng balloons at garbage bags para sa freaky clown get-up ng anak.

Zia wears a ‘freaky’ clown costume made up of recycled materials. Credit: Marian Rivera’s Instagram

Mas naging effective ang costume ni Zia dahil si Marian mismo ang nag-paint sa mukha at braso ng anak. Kokonti lang ang nakakaalam na isa ring painter si Marian kaya madali lang para sa kanya ang gawin ang make-up ni Zia.

Dahil sa creativity nilang mag-ina, wagi si Zia bilang Best in Costume, “Boo! Freaky clown costume made with recycled materials for school today. Congratulations anak! #MariaLetizia.”

Last year ay napanalunan na rin ni Zia ang same award bilang Intergalactic Space Princess gamit din ang recycled materials.

Ang latest na costume ni Zia ay bilang Red Princess sa pelikulang Alice in Wonderland na ipinost ni Dingdong. As usual, giliw na giliw na naman ang fans sa latest update sa Dantes Squad.

Debbie Castillo
Debbie Castillo
Debbie Castillo is Pilipino Star NGAYON’s assistant editor for entertainment. She is also a painter, make-up artist and works with some charitable organizations.

Must Read