Arci Muñoz, ni-link kay Baste Duterte!

Sina Arci Muñoz at Baste Duterte na nga ba? Ang anak daw ni Presidente Digong ang current dyowa ng sexy actress na tsinugi na pala sa afternoon teleseryeng Pamilya Ko ng ABS-CBN.

Ayon sa source ng digital talkshow na Take It… Per Minute (Me Ganun) hosted by Lolit Solis, Cristy Fermin and Mr. Fu, ang sexy actress at ang vice mayor nga raw ng Davao ang magka-relasyon ngayon.

Photos from Arci’s Instagram/Davao City Facebook page

So break na ba si Vice Mayor Baste at ang long-time girlfriend niya na si Darrela Kate Necessario na minsan na ring nalantad sa social media? Ex din ni Vice Mayor Baste si Ellen Adarna.

Anyway, bukod daw sa lovelife, abala rin si Arci sa pagta-travel dahil sa pagsunod sa kanyang K-pop idol na BTS (bago pa man nagkaroon ng coronavirus) kaya nahirapan diumano ang production ng Pamilya Ko sa schedule nito kaya tsinugi na lang ang sexy actress.

Nauna nang naglibot sa anim na Disneyland si Arci ayon sa mga social media post niya last year.

Nakaikot niya ang Disneyland Shanghai, Florida, California, Paris, Tokyo and Hong Kong.

Scroll to Top