The wait is over, Czennies!
Opisyal nang na-discharge mula sa kanyang mandatory military service ang NCT member na si Jaehyun noong May 3.
Matatandaan na nag-enlist si Jaehyun noong November 2024. Sa loob ng military, nagsilbi siya bilang active member ng military band.
“I’ve been discharged from the military,” saad ni Jaehyun sa isang post sa social media platform na X.
전역했습니다#JAEHYUN #NCT #NCT127 pic.twitter.com/nbphczTaL9
— NCT (@NCTsmtown) May 3, 2026
Isang araw matapos ang kanyang military discharge, nag-live din si Jaehyun sa community platform na Weverse upang makipag-bonding sa kanyang mga fans.
팀장 🍑
— NCT (@NCTsmtown) May 4, 2026
EVERYTHING, ALL AT ONCE, NEOhttps://t.co/cXqEtSCTSI #JAEHYUN#NCT #NCT127#NCT_10TH_ANNIVERSARY pic.twitter.com/kF52GWt8wk
Samantala, kasabay ng kanyang paglabas sa military ay ang pasisimula naman ng solo fan concert ng nasabing K-pop idol.
JAEHYUN FAN-CON TOUR <Mono>
— NCT (@NCTsmtown) May 4, 2026
SEOUL ➫ 2026.06.06-07
MACAU ➫ 2026.06.13
JAKARTA ➫ 2026.06.20
BANGKOK ➫ 2026.06.27-28
TAIPEI ➫ 2026.07.04-05
EVERYTHING, ALL AT ONCE, NEO⁰https://t.co/cXqEtSCTSI#JAEHYUN #재현 #JAEHYUN_MONO#NCT #NCT127 #NCT_10TH_ANNIVERSARY pic.twitter.com/NHs3I6mBoY
Nito lamang May 4, inanunsyo ng SM Entertainment na nakatakdang mag-kickoff ang fan concert ni Jaehyun sa Seoul, South Korea sa June 6 at 7.
Kasabay nito, pupunta rin siya sa Jakarta, Indonesia, Macau, Bangkok, Thailand, at Taipei, Taiwan para sa nasabing concert.
Si Jaehyun ay ang ikalawang NCT member na na-discharge sa military, kasunod ni Taeyong na na-discharge naman noong December 2025.
Sa kasalukuyan, dalawang members na lamang ng NCT ang nasa military service—sina Doyoung at Jungwoo. Inaasahan naman ang kanilang discharge sa darating na Hunyo.