Get ready, ARMYs! BTS is coming back to Manila!
Excitement ang hatid sa mga Filipino fans ng K-pop group na BTS nang i-anunsyo nila na babalik sila sa Pilipinas matapos ang halos 10 taon para sa kanilang world tour.
Ayon sa announcement na inilabas ng BTS nitong Martes, January 13, pupunta sila sa Pilipinas sa March 13 at 14, 2027.
GET READY, ARMYS! BTS IS COMING TO MANILA! 😭💜
— Pilipino Star Ngayon Digital (@psngayondigital) January 13, 2026
K-pop group na BTS, nakatakdang pumunta sa Pilipinas sa March 13-14, 2027 para sa kanilang world tour.
(X/BIGHIT MUSIC) pic.twitter.com/7LC7vfgvEA
Sa ngayon ay hindi pa inilalabas ang seat plan at ticket prices para sa upcoming world tour.
Matatandaan na huling pumunta ang BTS sa Pilipinas noong taong 2017 para sa kanilang “The Wings Tour” kung saan nag-perform sila sa MOA Arena.
Matapos ang “Wings Tour,” nasundan pa ito ng ilang mga tours ngunit hindi na muling nagkaroon ng Manila stop.
Ito ang kauna-unahang beses na babalik ang BTS bilang isang buong grupo sa Pilipinas upang magsagawa ng concert.
Sa kabilang banda, maliban sa tour, isa rin sa mga nilolook forward ng mga fans ang upcoming album na irerelease ng BTS.
Ayon sa kanilang agency na BigHit Music, ilalabas ng BTS ang kanilang 5th album sa March 20, 2026.
Bubuuin ang nasabing album ng 14 tracks, kung saan featured ang mga “honest stories” na nais i-share ng nasabing K-pop group sa kanilang fans.
“We would like to sincerely thank all the ARMY who have waited patiently for so long,” pahayag ng BTS.