Nag-react ang mga Sexbomb members na sina Aira Bermudez at Aifha Medina patungkol sa pag-compare ng ilang mga netizens sa kanilang grupo sa P-pop girl group na BINI.
Sa interview nina Aira at Aifha sa programa na “Fast Talk with Boy Abunda,” binasa ni Boy ang komento ng isang netizen na nagco-compare sa Sexbomb at BINI.
‘TIME NG BINI NGAYON, WE HAVE TO RESPECT THAT’ 🥹🩷
— Pilipino Star Ngayon Digital (@psngayondigital) December 1, 2025
Ganito ang inihayag ng Sexbomb member na si Aira Bermudez matapos nilang mag-react patungkol sa pagkumpara ng ilang mga netizens sa kanilang grupo at sa P-pop girl group na BINI. pic.twitter.com/lKMO5etG2v
“Madalas ikino-compare kayo sa BINI. May netizen na nagsabi, mas deserve niyo raw ang titulong ‘Nation’s Girl Group,’” saad ni Boy.
Ayon kay Aira, naniniwala siya na deserve nilang tawagin bilang “Nation’s Girl Group” noong peak pa ng kanilang kasikatan.
“Siguro nu’ng time namin, deserve namin. Pero time ng BINI ngayon, we have to respect that,” pahayag ni Aira.
“Yes, bigay na natin sa kanila ’yon,” wika naman ni Aifha.
'LABAS MGA PINALAKI NG SEXBOMB!' 🙋🏻♀️💗
— Pilipino Star Ngayon Digital (@psngayondigital) September 16, 2024
TV personality na si Rochelle Pangilinan, nag-post ng isang TikTok video kasama ang Sexbomb Girls kung saan ginawa nila ang "Eyy ka muna eyy" dance challenge. pic.twitter.com/hFtQD3n98K
Kasabay nito, binigyang-diin din ni Aira ang “right timing” ng career ng Sexbomb at BINI.
“Lahat tayo may timing sa buhay. Saka nirerepresent nila ’yung country natin so we have to be proud sa narating nila,” wika ni Aira.
Paglilinaw naman ni Aifha, hindi rin sila nakikipag-compete sa BINI.
“Hindi po kami nakikipag-compete,” wika niya.
Sa kabilang banda, magkakaroon naman ng two-day reunion concert ang Sexbomb sa December 4 sa Araneta Coliseum, at sa December 9 sa MOA Arena.
Sa kasalukuyan ay sold out na ang tickets para sa December 4 concert ng Sexbomb.