Maine Mendoza admits she fell in love with Alden Richards during ‘Kalyeserye’ era

-

Inamin ng “Eat Bulaga” host na si Maine Mendoza na na-in love siya sa aktor na si Alden Richards.

Sa episode 5 ng “Tamang Panahon” podcast, may isang netizen na nagtanong patungkol sa feelings nina Maine at Alden habang ginagawa nila ang “Kalyeserye” segment sa Eat Bulaga.

Pagbabahagi ni Maine, very vocal siya na na-in love siya kay Alden.

“Ako, na-in love talaga ko kay Alden, vocal naman ako. Kahit sino naman ’yung magtanong sakin, sasagutin ko naman nang diretso. Na-in love ako sa kanya pero hindi siya nanligaw,” sagot ni Maine.

Ayon pa sa kanya, alam din ni Alden ang patungkol sa kanyang feelings ngunit hindi umano ito nanligaw.

“Alam din niya, kasi kung vocal ako sa lahat ng tao, pati kay Alden mismo. Alam ni Alden ’yun, sinabi ko naman sa kanya rekta, pero hindi siya nanligaw,” dagdag pa niya.

Kwento ni Maine, diretsahan niya umanong tinanong si Alden patungkol sa feelings nito sa kanya.

“Tinanong ko siya noon eh, kasi ang straightforward ko naman na tao. Tinanong ko siya rekta, ‘Sabihin mo na sakin, ano bang nararamdaman mo for me?’” saad niya.

“Direkta kong tinanong sa kanya, gusto ko lang malaman. Sabi ko, ’Kung ano man ‘yan, tatanggapin ko naman. Kailangan ko lang malaman.’ Ta’s ayun, ang sabi lang niya, “’Di ko pwedeng sabihin sa ’yo kasi mawawala ’yung magic,” pagpapatuloy pa ni Maine.

Ngunit sa kabila nito, sinabi ni Maine na nagkaroon sila ng closure ni Alden.

“Grabe ’yung relationship din namin ni Alden off cam. Pero may closure naman kaming dalawa. Napag-usapan namin lahat,” pahayag niya.

“Naka-move on naman na lahat, okay na pag-usapan openly,” dagdag pa niya.

Kasabay nito, nag-alay din si Maine ng mensahe sa mga sumuporta sa “AlDub” at sa Kalyeserye.

“Maraming salamat sa pagmamahal at suporta na binigay at pinakita niyo sa ‘Kalyeserye,’ sa mga Lolas, sa AlDub, at sa Eat Bulaga. Sana lagi nating baunin, kasi kami baon namin ‘yung mga magaganda na nangyari, pati na rin ’yung hindi. Everything in between, baon namin ’yan. Sana, ganun din kayo… Sana lagi nating baunin ’yung mga magagandang alaala,” mensahe naman ni Maine sa kanilang mga taga-suporta.

Matatandaan na nakilala si Maine bilang si “Yaya Dub” sa “Kalyeserye.”

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE