PBB housemates River, Klarisse ask to switch places with Xyriel, Shuvee for nomination

-

Humiling ang mga ‘Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition’ housemates na sina River Joseph at Klarisse de Guzman na makipagpalit sa posisyon ng kanilang co-housemates na sina Xyriel Manabat at Shuvee Etrata para sa nalalapit na nominasyon.

Ito ay matapos mapabilang si Xyriel sa listahan ng nominado ngayong linggo. Kasabay nito, pinatawan din ng automatic nomination si Shuvee dahil sa kanyang mga violations umano sa loob ng bahay.

Sa recent episode ng PBB, makikita na emosyonal na humiling si River na makipagpalit ng posisyon kay Xyriel.


“Posible ba i-trade ko yung spot ko kay Xyriel sa nomination? Kapamilya for kapamilya,” tanong ni River.

Ayon kay River, masakit para sa kanya na makita si Xyriel na mapabilang sa mga housemates na nominated ngayong linggo.

“Masakit lang makita na she is on the line for eviction. She’s only been here for 3 weeks, kuya. I know she has a lot pa to prove. I know she has so many reasons why she’s here, syempre for family. I don’t want her to be in this position na close to leaving,” wika niya.

Paliwanag pa ni River, itinuturing niya rin umanong little sister si Xyriel.

“She’s like the little sister na, you know. I never had [that], ako kasi yung bunso. And ako rin yung tinuturing niyang kuya dito sa bahay. Sobrang naging close kami, ang dami niyang nakwento about her life… It just pains me kuya na syempre she has to go through this nomination,” dagdag pa nito.

“Alam ko sobrang lakas ni Xyriel, kaya niya ’to. Pero I’d rather sacrifice myself for her, kuya,” pahayag niya. 

Sa kabila nito, tila hindi naman napagbigyan ni Big Brother ang request ni River.

“Ikinalulungkot ko, River, hindi ko mapabibigyan ang hiling mo,” saad naman ni Big Brother.

Katulad ni River, humiling din si Klarisse na makipagpalit ng posisyon kay Shuvee.

“Parang hindi ko po kaya na sina Shuvee po yung mano-nominate, kasi I think ako po may kasalanan kung ba’t po nangyari yung pinakamalaking offense niya, kuya. Meron po bang ibang way or kahit ako na lang kuya [yung] ma-nominate or maalis,” wika ni Klarisse.

Kwento ni Klarisse, naramdaman niya umano ang sincerity at pag-aalaga ni Shuvee noong na nagkaroon sila ng game night.

“Kasi kilala ko naman po si Shuvee, kuya… Sobrang na-feel ko po talaga yung care niya. Nag-alala siya sakin nung game night nga po na medyo sumobra po, nawalan po ng control, nalasing po,” pagbabahagi niya.

“Tingin ko po, ako po may kasalanan kuya and I think ako po dapat ang nasa posisyon niya, kuya,” dagdag pa nito.

Katulad ni River, hindi rin napagbigyan ni Big Brother ang request ni Klarisse.

“Ang bagay na ito ay pinag-isipan ko nang mabuti. Bagama’t ina-acknowledge ko na maganda ang intensyon ni Shuvee, accountable pa rin siya sa actions niya,” saad nito.

Matatandaan na pumasok ng PBB house sina Xyriel at Shuvee nito lamang April 14. 

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE