TJ Monterde receives memorable gift from KZ after his three-night sold-out concert

-

Ibinahagi ng OPM singer-songwriter na si TJ Monterde na nakatanggap siya ng special gift mula sa asawa na si KZ Tandingan matapos ang kanyang “Sarili Nating Mundo” concert sa Araneta Coliseum noong February 1, 2, at 3.

Sa panayam ni TJ kay Toni Gonzaga sa online interview show na “Toni Talks,” sinabi niya na nakatanggap siya ng isang Rolex watch mula kay KZ. 

“Binigyan niya ko ng regalo nung gabing yon… Relo,” saad ni TJ.

“Kasi meron akong gustong bilhing relo… Para ma-celebrate ko yung Araneta ko, gusto kong bumili ng relo. Wala pa kong Rolex eh, so yun yung first Rolex ko if ever. Tapos nag-iisip pa ko kung kaya ko, or deserve ko ba, or kaya ko bang bumili ng ganitong relo,” kwento niya.

“Nu’ng third night, inabutan niya ko ng relong yon. Binigyan niya ko. Siya ang bumili,” saad pa nito. 

Pag-amin ni TJ, na-touch siya nang bigyan siya ng relo ng kanyang asawa. 

“Mas na-touch ako kasi matagal niya na ring gustong bumili ng Rolex. Wala siyang Rolex. Wala siya nito eh. Pero inuna niya ko. Mas dun ako na-touch. Ramdam ko lang na mahal na mahal niya talaga ko,” dagdag pa nito.

Ayon pa kay TJ, si KZ ang nagsilbing number one supporter niya. 

“Nu’ng time na walang pumapalakpak sayo, si KZ ang pumapalakpak. Ngayon naman na pinapalakpakan ka, siya naman,” wika ni Toni. 

“Kasama siya. Sa lahat ng tour ko, non-negotiable, kasama ko siya dapat,” pahayag ni TJ.

Sa nasabing interview, nag-alay din si TJ ng kanyang pasasalamat para sa suporta na kanyang natanggap mula sa asawa.

“Salamat sa encouragement mo sakin and sa pagtiwala mo sa kakayanan ko o sa potential ko from the very beginning,” mensahe ni TJ kay KZ.

“‘Wag ka mag-alala, I will always be there for you. Your first and last, and only, palagi,” dagdag pa nito.

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE