BTS J-hope follows Niana Guerrero on TikTok

-

Napa-”sana all” na lamang ang mga netizens matapos i-follow ng BTS member na si J-hope ang Filipino content creator na si Niana Guerrero sa TikTok. 

Sa newly-launched TikTok account ni J-hope, makikita na limang accounts lamang ang fina-follow nito, at kabilang dito si Niana. 

Kumalap naman ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens ang pag-follow ni J-hope sa Filipino content creator.

“Taga sana all na lang kaming mga [ARMY],” komento ng isa patungkol sa fandom ng Kpop supergroup na BTS.

“Ikaw na talaga Niana,” dagdag pa ng isa.

Si J-hope ang ikalawang BTS member na nag-follow kay Niana. 

Matatandaan na unang nag-follow ang BTS member na si Jungkook kay Niana noong August 2023. 

Maliban pa rito, matatandaan na nagkaroon din sila ng interaction.

Samantala, nakatakda namang pumunta si J-hope sa Pilipinas para sa kanyang upcoming “HOPE ON THE STAGE” concert na gaganapin sa April 12 at 13, sa Mall of Asia (MOA) Arena. 

Kasabay nito, magre-release din ng album si J-hope ngayong March. 

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE