Diretsahang sinabi ng aktres na si Ai-Ai delas Alas na hindi niya umano ipapa-revoke ang green card ng asawa na si Gerald Sibayan sa United States.
Ito ay matapos niyang kumpirmahin ang kanilang breakup sa programa na “Fast Talk with Boy Abunda.”
Sa nasabing interview, napag-usapan ang patungkol sa status ni Ai-Ai at Gerald sa Amerika.
‘PARANG HELP KO NA YUN SA KANYA PARA MAGKAROON SIYA NG LEGAL STATUS SA AMERIKA’
— Pilipino Star Ngayon Digital (@psngayondigital) November 12, 2024
Ito ang ibinahagi ni AiAi Delas Alas sa isang interview ni Boy Abunda matapos mapag-usapan ang patungkol sa kanilang hiwalayan ng asawang si Gerald Sibayan. pic.twitter.com/zxUFfP3gHn
Kwento ni Ai-Ai, pinetition niya umano si Gerald upang maging green card holder ito.
“Ako, green card holder ako, and then pinetition ko siya as husband, so approved na yon,” wika niya.
“Naghihintay lang siya ng green card niya,” dagdag pa nito.
Kasabay nito, nilinaw din ni Ai-Ai ang mga rumors na ipapa-revoke niya umano ang green card ni Gerald.
“Syempre pag initial [reaction], bwisit ka, minsan, kung ano-ano nasasabi mo. Pero hindi ko naman gagawin yon,” pagbabahagi niya.
“Syempre, husband ko pa rin siya… And parang help ko na yun sa kanya para magkaroon siya ng legal status sa Amerika,” dagdag pa nito.
Matatandaan na ikinasal si Ai-Ai kay Gerald noong taong 2017.