Vice Ganda reveals SB19 waived talent fee for Magpasikat 2024 performance

-

Ini-reveal ng It’s Showtime host na si Vice Ganda na hindi umano tumanggap ng talent fee ang P-pop group na SB19 matapos itong maging guest performer sa kanilang Magpasikat 2024 performance. 

Sa performance ng Team Vice, Karylle, at Ryan nitong Lunes, October 21, itinanghal ng SB19 ang isa sa kanilang mga hit songs na “Liham.”

“’Di po sila nagpabayad. Ayaw nilang tumanggap ng bayad. Maraming maraming salamat talaga, SB19,” pasasalamat ni Vice sa nasabing P-pop group. 

Kasabay nito, nagpahayag din ng kanyang pasasalamat ang SB19 member na si Josh sa Team Vice para sa opportunity na makapag-perform sa Magpasikat. 

“Maraming maraming salamat lang po sa opportunity. Sobrang na-touch din po kami sa message nito, kaya masayang masaya po kami [na] naging parte kami nito,” wika ni Josh.

“Binigyan niyo rin po kami ng hope at panibagong pag-asa na pwede naming i-look forward,” dagdag pa nito. 

“Ang dami niyong na-achieve, pero sa sobrang husay ninyo, at sa edad ninyo, ang dami niyo pang pwedeng i-look forward because you guys are limitless,” saad naman ni Vice.

“Sobrang galing ninyo kaya congratulations,” mensahe pa nito sa nasabing P-pop group.

Ang Team Vice, Karylle, at Ryan ay ang kauna-unahang performer sa Magpasikat 2024. 

Maliban sa SB19, naging celebrity guest din ng nasabing team ang two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo, at TV personality na si Awra Briguela.

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE