Roselyn Gamilla Seraspe, mother of Jamaica, a teenager who recently died due to untreated rabies, shared the last few moments with her daughter before she died last April 6, 2024.
“Sobrang positive ng anak ko dahil hindi niya po pinakita sa amin na nahihirapan siya. Ang sagot niya lagi sa amin, ngiti ,okay lang siya. Ayaw niya po talaga kaming mag-worry sa kanya hanggang sa mamatay siya,” Mommy Roselyn told The Philippine STAR in an exclusive interview.
“Nung nasa ospital siya, hindi siya katulad ng iba na nakitaan (ng rabies). Napakatino niya. Kaya niyang kontrolin ‘yung sarili niya. Nakakausap po namin siya nang matino. Nagre-response po siya,” she added.
According to Mommy Roselyn, it was in February 2024 when Jamaica got home with a scratch on her ankle.
“Lahat po kami nagtanong sa kanya. Hindi po siya malalim. Parang scratch lang siya. Sabi ko, ‘Napano ‘yung sugat mo?’ Sinabi po niya sa akin na, ‘Wala ‘yan. Nasagi lang ako sa alambre.’ Sabi ko, ‘Naku, hugasan mo ‘yan maigi ha?’” she recalled.
“Sabi ko, ‘Ipa-inject natin ng anti-tetanus ‘yan.’ Sabi niya, ‘Hindi na Ma, okay na ko,’ Ugali niya po kasi ‘yung pinapanatag niya na ‘yung loob mo na okay na siya. Parang pinanatag na niya ‘yung loob namin na wala lang ‘yun. Binalewala kasi tiwala kami eh. Tiwala kami dun sa sinabi niya,” she added.
Mommy Roselyn said that after a few days the wound healed, and they did not notice any changes on Jamaica’s behavior.
Noting, “Wala kaming nakitang sign na parang may problema siya. Masaya pa rin siya, normal siya. Wala siya talaga pinapakita po na may kakaiba sa sarili niya.”
Until Jamaica reached out to her mom on April 4, 2024, saying that she has a slight fever.
“Katabi ko po siya sa pagtulog, magdamag. Magkayakap pa kami niyan. Hindi ko akalain na huli na pala naming yakapan na ‘yun nung araw na ‘yun. Hindi po kami pareho nakatulog kasi napansin ko balisang-balisa na siya eh,” Mommy Roselyn said.
The following day, Jamaica didn’t have a fever but raised another health issue to her mother— a body pain near her hips, that’s when Mommy Roselyn decided to find a doctor to check up on her.
“Kasi 1PM pa ‘yung doktor. Bumalik ako sa bahay siguro mga 30 minutes lang. At nadatnan ko siya na, ‘Mama, mama hirap akong uminom ng tubig.’ ‘Bakit ka nahirapan?’ Alam mo ‘yung parang natataranta na siya. Kita mo sa expression ng mukha niya na parang iiyak, parang kinakabahan na hindi niya halos masabi sa’kin,” Mommy Roselyn shared.
“Sabi ko, ‘Bakit? Bakit, ‘nak? Bakit?’ Sabi kong ganun. ‘Masakit ba lalamunan mo? Hindi ka makainom ng tubig.’ ‘Hindi, Mama. Hindi.’ Sabi niya, ‘Baka may rabies ako, Ma.’ Kasi nag-search pala siya doon sa cellphone niya naalala niya na nakagat pala siya ng aso,” she added.
Mommy Roselyn was shocked by her daughter’s revelation. She immediately took her to the nearest hospital.
“Halos di ko na po alam gagawin ko kasi late na eh. April na bakit ngayon lang siya nagsabi. Sabi ko, ‘‘Nak, bakit? Hindi naman kita papagalitan. Bakit mo naman inilihim sakin? Bakit ka nagsinungaling?’” she emotionally said.
Adding, “Sabi niya, ‘Hindi, Ma. Sorry, sorry, Ma. Sorry, Ma.’ Sabi niyang ganun. ‘Ma, mamamatay na ba ako? Mamamatay na ba ako?’ Sabi ko, ‘Hindi, hindi.’ Niyakap ko na lang po siya. Sabi ko, ‘Hindi ako papayag na mawawala ka sa akin, ‘nak. Hindi ako papayag. Hindi, hindi. Mahal na mahal kita.’”
While on their way to the facility, Jamaica was already a bit different and acting strange.
“Nakasakay kami sa tricycle. Nakita ko po na talagang nagwawala siya dahil ayaw niya ng hangin. Nagpupumiglas po siya,” she described.
When they arrived at the hospital, they confirmed that Jamaica had rabies and only had approximately 24 hours to live.
“Nakita ng doktor na talagang wala na. Sabi niya, ‘Misis, pasensya na pero late stage na po ‘yung hydrophobia.’ ‘Yun po ay sign na talagang umakyat na po sa utak niya ‘yung virus. Hindi ko alam paano ‘yun tanggapin, Sobrang sakit. Parang gumuho ‘yung mundo ko. Gusto ko na mag-hysterical. Pero pinilit ko na hindi ipakita ‘yun sa kanya kasi lalo siyang manghihina,” Mommy Roselyn said.
After 12 hours, Jamaica died due to the untreated rabies. She was immediately cremated.
“Nung bandang huli na po na parang nakitaan namin siya nanghihina na, bumubula na ‘yung bibig, hindi ko na po siya tiningnan. Hindi ko na po kayang tingnan ‘yung kalagayan niya. Kung pwede nga lang, ako na lang, ‘wag na siya. Napakabata pa po niya para mangyari ‘yun sa kanya,” said Mommy Roselyn.
“‘Yung kinalulungkot ko kasi, meron na pala siyang pinagdadaanan. Hindi namin alam. Sinolo niya ‘yung problema niya, sinolo niya ‘yung sakit na nararamdaman niya,” she stressed.