Netizens shared hilarious reactions from a now viral “chaotic” wedding proposal in Baguio City last December.
“Dry run po ba ito?” a netizen said in jest.
“Makikita mo talaga sa vid na sobrang organized at pinag praktisan nang ilang beses,” a user joked.
“’Okay next group’ ang atake,” another commented.
Up to this day, even soon-to-be-bride Kim Santos couldn’t help but have a good laugh whenever she’s recalling her long-time partner, Ed’s wedding proposal.
“Wala akong idea na magpo-propose siya [that time] Kung makikita mo doon sa video, ang gulo-gulo namin. Hindi bago samin ‘yun eh.Nung nagpicture na,nakaluhod na ‘yung boyfriend ko. Hindi rin ako nagtaka don kasi may mga pictures kami na nakaluhod na talaga siya tapos siya ‘yung nag-aayos ganyan,” Kim told The Philippine STAR.
Biglang tumugtog ‘yung favorite song ko sabi ko pa sa tita ko, ‘Uy taray The Sound of Music.’ Sabi nila doon naman daw sa likod, sabi ko, ‘Bakit sa likod?’ Until nakita ko na ‘yung ‘Marry’ na card, so nagkakaroon na ako ng hunch kung ano nangyayari. Nung nakita ko na na mali-mali ‘yung ano, nagtawanan na kami. Ayun, doon ko siya sinagot,” she added.
Kim said that she knew that someday, Ed would propose to her but did not expect that soon since they hadn’t talked about settling down to her father, Tatay Erick.
“Alam ko naman na magpo-propose siya, kasi alam kong may singsing. Napag-uusapan naman talaga namin ‘yung wedding pero hindi siya makapag-propose kasi feeling ko hindi pa ready ‘yung tatay ko. Pero hindi ko siya inexpect doon sa Baguio kasi alam kong hindi pa alam ng tatay ko. Pinag-usapan kasi namin before na kapag nagpropose siya, i-ask mo muna ‘yung permission sa tatay ko tsaka sa mom ko, family ko,” she recalled.
“Hindi ko nakitaan na anytime na kayang kausapin ng boyfriend ko ‘yung tatay ko na silang dalawa lang kasi very strict ‘yun eh. Sabi [raw] ng tatay ko, ‘sige na nga matatanda naman na kayo, alam n’yo na ‘yung gusto n’yo, kaya n’yo nang magdesisyon.’ kaya natuloy ‘yung proposal,” she added.
Kim’s family said that they were also caught off guard to the sudden change of plans as they defended the result of the “chaotic” wedding proposal.
For Kim, despite the outcome, said it was the happiest day of her life.
“Nagustuhan ‘yung proposal Kasi walang filter ‘yun, kaming-kami talaga. Hindi bago sa’min ‘yung ganun kagulo, ka-chaotic. ‘Yun talaga kami kaya parang nakita niya talaga ‘yung beauty ng family namin,” she noted.
But Tatay Erick wanted to give Kim and Ed a proper wedding proposal, that is why he, together with the whole family organized a second one.
“Tumawag kasi ‘yung tatay ko. Sabi niya sa akin, ‘Kim, isu-surprise ko ‘yung tita mo (stepmom), anniversary kasi namin.’ So ako pakilig-kilig pa ako, sabi ko, ‘Ay sige-sige go. Excited na excited ako na makita niya ‘yung surprise,’ pagdating namin don, iniwanan nila ako don sa gitna,” Kim said.
“Hindi ko alam na ‘yung event pala is for me. Ang kwento ng boyfriend ko sa’kin, nag-reach out ‘yung stepmom ko sa kanya kasi gusto ng tatay ko na bigyan daw ako ng mas maayos na proposal, mas romantic. So mas pinaghandaan na nila this time and minake sure nila na hindi na mamamali ‘yung “will you marry me” card kasi prinint na nila ng isang buo,” she added.