‘I will send you to school’: Vice Ganda offers scholarship to ‘Expecially for You’ searchee

-

Feeling grateful ang ‘Expecially for You’ searchee na si Nami makaraang ma-offeran siya ng scholarship ng It’s Showtime host na si Vice Ganda.

Sa nasabing segment, na-mention ni Nami na isa siyang senior high school graduate at pansamantala siyang tumigil sa pag-aaral.

Samantala, kasalukuyan naman siyang nagta-trabaho bilang “promo girl” sa isang convenience store upang makapag-provide para sa sarili.

“Nag-stop na po [ako]… Financial problem po. Bale ako na lang po kasi nagsu-support sa sarili ko kaya… Ayoko po [na] baka pag nag-enroll po ako sa college, baka hindi ko kayang pagsabayin yung pag-aaral tyaka pagta-trabaho since may monthly rent pa po,” saad ni Nami.

Kwento niya, nasa probinsya ang kanyang mga magulang at ayaw na rin niya umanong “umasa” sa mga ito. 

“Ayoko pong nakasandal sa magulang ko po. Gusto ko pong maging strong independent woman po,” wika ni Nami.

“Hirap din po sila… Ayoko lang po maging pabigat sa kanila. Kasi po, yung Papa ko po, disabled, and then yung kapatid ko po, disabled din po,” wika ni Nami.

Ngunit sa kabila ng mga challenges na ito ay inihayag ni Nami ang kanyang desire na makapagtapos ng pag-aaral.

“Pero gusto mo mag-aral? […] Pa’no kung pagtatapusin kita ng pag-aaral? […] Kung ikaw ay magkakaroon ng pribilehiyo na makapagtapos ng pag-aaral, kukunin mo ba ang pribiliheyo na ito, Nami?” tanong ni Vice. 

“Oo naman po,” sagot naman ni Nami.

Dito ay nag-offer na si Vice na tulungan siyang makapagtapos.

“So I will send you to school,” saad ni Vice.

Ayon pa kay Nami, pangarap niya rin talaga umanong makapagtapos ng kanyang studies.

“Pangarap ko po talaga makapagtapos kaya po ako nagpunta ng Maynila para po magtapos sana ng pag-aaral. And then, nagka-problema lang po doon sa tinitirahan kong bahay, kaya po nag-decide po ako na tumira na lang na mag-isa, mag-provide sa sarili ko po,” banggit ni Nami.

“I admire [that] you’re being independent pero kahit independent women, they also need help and support. And I would like to send you my support,” wika naman ni Vice.

Matapos offeran ng scholarship ni Vice si Nami ay na-mention din ni Vice na malapit nang grumaduate ang isa niya pang scholar na “Tawag ng Tanghalan” contestant.

“Kasi meron din akong isang pinag-aral dito, sa Tawag ng Tanghalan, ga-graduate na siya sa March. So may isang mawawala kasi graduate na, pwede akong makapagkuha pa ng extra,” saad pa ni Vice.

Naging emosyonal naman si Nami matapos ang kanilang pag-uusap ni Vice patungkol sa scholarship.

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE