This story yet again proved how powerful social media is!
In a now viral video on TikTok, 20-year-old uploader Elaisa Seromines shared her experience after she forgot her phone at an arcade in Muntinlupa City.
“Nag-a-arcade na po kami ‘dun sa baril-barilan ng zombie nagta-try po kami i-film ‘yungano namin moment po na ‘yun. Bigla pong nadala ko po ‘yung mga ticket kasi may mga ticket po ‘yun. Naiwan po ‘yung phone dun,” Seromines told The Philippine STAR.
According to her, the situation happened on October 16, 2023, during their first out of town date of her boyfriend James.
“Hindi ko po talaga na-realize na nawawala ‘yung cellphone ko kasi akala ko nasa bag ko lang siya. Na-shock po kami may biglang lumapit asking if phone ba namin ‘yung naiwa,” she said,
“Bigla po silang nawala. [Nag] try po kaming lumapit kasi nga po para po ‘yun makapagpasalamat personally. ‘Yun po ‘yung nakita ko na video nung ako’y umuwi na, na nagfi-film po pala ‘yung video. Dun po sa video, 10 minutes po ‘yun. Then ‘yung film po nun na kasama lang kami is three minutes lang. The rest po is seven minutes na po siyang nawawala. Kaya ko po pinost sa TikTok para po mahanap po kasi hindi po namin alam ‘yung name,” she recalled.
Through the help of netizens, Seromines was able to reach out to the good samaritan.
The young man behind the video is a teenager residing in Muntinlupa.
“Nagulat nga rin po ako. Nung pauwi po kami, inexpect din po namin na baka ma-post kami. Na-excite din po ako kasi hindi ko rin po inexpect na gumawa ako ng ganun na meron pa lang maibubungang maganda,” 15-year-old Rodj Talagtag shared with The Philippine STAR.
“Hindi naman po ‘yung ‘pag nakakita ka ng isang bagay na hindi sa ‘yo, kunin mo na kasi wala namang nakakakita sa ‘yo. Hindi po. Baka po kasi mahalaga sa ibang tao ‘yun or meron pong value sa kanila.Tsaka hindi naman po ‘yung nakita ko kunin ko na,” he added.
Rodj said that he was in the same location with his girlfriend, Nicole for a date.
“Nung natapos na kaming maglaro sa isang game, nung naglalakad kami, nakita po nung girlfriend ko ‘yung phone na naka-record po dun. Then, nilapitan ko po tapos sabi ko mag-wait tayo kasi baka bumalik ‘yung may ari,” Rodj said.
“Sabi po niya parang nakita niya po ‘yung lumabas dun. Namumukhaan niya po ‘yung damit. Then nung tinanong ko po baka andito [pa] kasi ilang minutes pa lang ‘yung video kaka-start lang. Nilapitan ko po tinanong ko kung sa kanila po ba or kung sila po ba ‘yung last na naglaro dun. iPhone rin po kasi nakakagulat din,” he added.
Seromines said that she is thankful for the couple’s small act of kindness since her iPhone 11 Pro Max has a sentimental value to her.
“Nung nakita ko din po ‘yung video kasi nagulat din po ako lalo na po kabataan. Kasi ‘yung phone po personally ‘yun is galing din po sa nanay ko, matagal nang hindi din nakita. Na-touch po ako kasi ‘yun nga po nung nalaman ko po ‘yung edad nila, sobra bata rin po pala,” she said.
“Nakakatuwa lang po na hindi talaga nila pinabayaan ‘yung cellphone. Pinabantay niya din sa girlfriend niya po para po hanapin [kami], para po mag-reach out sa ’min. Dun po talaga nakakatuwa po. Hindi ko talaga akalain,” she added.