Paolo Contis says he’s still with Yen Santos, denies relationship with Arra San Agustin

-

Diretsahang sinagot ng aktor na si Paolo Contis ang hot seat question ng TV host na si Boy Abunda sa show na “Fast Talk with Boy Abunda.”

Sa segment na “Talk or Dare” sa naturang show, na-bring up ni Boy ang katanungan patungkol sa current relationship status ni Paolo at Yen Santos.

“The question is, dahil ito’y napag-uusapan, tanong ng bayan, kayo na ba ni Arra San Agustin, kayo pa ba ni Yen? Will you talk or will you dare?” tanong ni Boy. 

“Talk! Yes, kami pa ni Yen,” sey ni Paolo.

Dito ay clinarify din ni Paolo ang mga rumors patungkol sa kanila ng Eat Bulaga host na si Arra San Agustin. Aniya, “maliciously edited” umano ang mga kumakalat na posts sa social media.

“Alam mo yung kumakalat samin ni Arra, it’s an edited video of a portion in Eat Bulaga and it was maliciously edited,” paliwanag niya.

“It’s a love… skit triangle ni Arra, ako, at saka si Candy, played by Betong, and they just keep on posting the Arra side of it,” pagpapatuloy pa ng aktor.

Matatandaan na kamakailan lamang ay naging usap-usapan ng mga netizens ang viral video ni Paolo at Arra kung saan makikita ang umano’y “sweet interaction” ng dalawa. 

READ MORE:

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE