Mañanita ni Bela Padilla, Graded A

-

Graded A ng Cinema Evalution Board (CEB) ang Mañanita, starring Bela Padilla and directed by Paul Soriano.

Isa ang Mañanita sa mga local film na kasali sa ginaganap na Tokyo International Film Festival.

In all fairness, ibang Bela ang mapapanood sa pelikula na ang award-winning director na si Lav Diaz ang nagsulat ng script.

Sniper ang role niya sa movie na walang kahit konting similarity sa dati niyang mga ginampanang role.

Vice Ganda nakaranas malagasan ng buhok

Vice Ganda

Winner na winner ang team ni Vice Ganda bilang champion ng Magpasikat competition para sa makapangyarihan at makulay na performance nitong nakasentro sa pagmamahal sa sarili noong Sabado (October 26) para sa 10th anniversary ng noontime show ng ABS-CBN.

Kasama ang “Miss Q and A” queens, ibinahagi ng “unkabogable” star ang karanasan niya ng pagkalagas ng kanyang buhok at pagtanggap nang buo sa sarili sa performances ng mga awiting Creep ng Radiohead, Whip My Hair ni Willow Smith, at Survivor ng Destiny’s Child, na may kasamang wig at costume changes.

Naantig din ang madlang people at mga hurado sa pagbirit ni Vice ng Hair ni Lady Gaga habang nakalambitin sa ere at pagbibigay ng mikropono sa isang batang may alopecia areata, isang kondisyong nagdudulot ng pagkawala ng buhok. Sinundan ito ng pagwagayway ng kani-kanilang wigs ng madlang people na may alopecia.

Pahayag ni Vice pagkatapos ng performance, “Hindi mo kailangang mahalin ng buong mundo. Sarili mo lang ang kailangan mo at isang taong mahal mo na tatanggapin at mamahalin ka rin.” Sa puntong ito, ipinakilala niya sa publiko si Ion Perez bilang partner niya.

Nanalo ang Team Vice ng vacation package at P1 million, na ipagkakaloob nila sa kanilang napiling charity na nakatuon sa pagtulong sa mga taong may alopecia.

Pumangalawa naman ang team nina Vhong Navarro at Mariel Rodriguez, na nagbigay ng tagos-pusong performance na puno ng special effects tungkol sa pagtanda ng It’s Showtime hosts na pinapanood ang makabagong paraan ng pagbibigay-saya sa madlang people sa hinaharap. Nagwagi sila ng P700,000 para sa kanilang napiling charity.

Sumunod naman sa third place ang team nina Anne Curtis at Amy Perez na nag-uwi ng P600,000 para sa buwis-buhay na performance na puno ng acrobatic stunts at nagbigay-pugay sa mga tagumpay, pagsubok, at tatag ng It’s Showtime family.

Nakakuha naman ng tig-P500,000 para sa kanilang charities ang mga team nina Karylle at Ryan Bang, at nina Jugs Jugueta, Teddy Corpuz at Jhong Hilario bilang consolation prizes.

Samantala, kinilala ang It’s Showtime sa ikasampung anibersaryo nila matapos itong pangaralan ng “Katibayan ng Pagpapahalaga” ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) para sa malaking ambag ng programa sa pagpapagalaganap ng programa ng sining at kultura sa buong mundo.

Iginawad ang naturang parangal nina Shirley Halili-Cruz, ang chairman ng National Committee on Dance at ni Rene Napeñas, ang head ng NCCA’s Public Affairs and Information Office, na nagsilbi ring mga hurado sa isang linggong tagisan ng hosts sa Magpasikat competition.

Salve Asis
Salve Asis
Salve Asis is an entertainment columnist and editor of Pilipino Star Ngayon and Pang Masa. A member of the Cinema Evaluation Board, she’s one of the founders and officers of the Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED).

Must Read