Pilita Corrales pinagalitan si Janine Gutierrez dahil kay Bong Revilla

-

“Bago ako mag-umpisa Lolit, pinagalitan ko si Janine kahapon,” bungad ng Asia’s Queen of Songs na si Pilita Corrales nang mag-guest ito kanina sa month-long anniversary celebration ng digital show na Take It, Per Minute! (Me Ganun) aired by Pilipino Star NGAYON Facebook page. Ang Take It… ay hosted nina Lolit Solis, Cristy Fermin at Mr. Fu.

“I said ‘you’re wrong! You are wrong! When you are wrong, you’re wrong.’ Wala naman na siyang… Ang sabi niya ‘yes Mita (short for Mamita), yes Mita. Sometimes kasi she’s ano… Ang sabi ko, you don’t do that, you can’t say that. Who do you think you are?” kuwento pa ni Pilita.

“Bongga!” say naman ni Lolit at nagtawanan ang lahat.

“Sinabi ko talaga sa kanya na sometimes, you just open your mouth and you don’t know. Maybe you meant oh my God, so exciting. You didn’t do that Janine.”

Ang tinutukoy ni Pilita ay ang pinag-usapang issue tungkol sa tweet ni Janine Gutierrez na “Oh God” patungkol sa television comeback ni Sen. Bong Revilla Jr. Hindi nagustuhan ni Lolit ang sinabing ‘yun ni Janine kaya nag-post siya sa Instagram ng kanyang saloobin.

Pinagtanggol naman si Janine ni Sandy Andolong na misis ng kanyang Lolo Christopher de Leon at sinabing hindi nito kailangang maliitin si Janine. “She was brought up well by both her parents. I’m pretty sure she had no intention of coming on too cruel or harsh with her comment/opinion. Belittling her is unnecessary. Hinay-hinay lang Nay. Puso mo, bawal tumaas ang BP. Love, love, love sabi nga ni @krisaquino,” Sandy continued.

Nag-post din si Lotlot sa kanyang Instagram ng magagandang salita tungkol sa kanyang anak.

Debbie Castillo
Debbie Castillo
Debbie Castillo is Pilipino Star NGAYON’s assistant editor for entertainment. She is also a painter, make-up artist and works with some charitable organizations.

Must Read