Dingdong Dantes now a lieutenant commander of the Philippine Navy

-

Maraming kaganapan sa showbiz ang natabunan ng pagkamatay ng basketball legend na si Kobe Bryant at isa na rito ang promotion ni Dingdong Dantes bilang Lieutenant Commander ng Philippine Navy reserved list.

Siyempre pa, nanguna sa pagbati ang kanyang misis na si Marian Rivera na idinaan sa Instagram post ang pagsaludo sa kanyang mister.

“Super proud of you my husband…Salute!” caption ni Marian sa litrato nila ng asawa habang ginaganap ang “donning of the ranks” ceremony sa Philippine Navy headquarters kaninang umaga.

Nagbigay din si Dingdong ng inspiring speech. Ayon sa aktor, hindi nasusukat ang kapasidad ng pagtulong ng tao sa kanyang uniporme.

Ilan sa celebrities na bumati kay Dong ay sina Iya Villania, KC Montero, Liz Uy at Nadine Samonte.

Debbie Castillo
Debbie Castillo
Debbie Castillo is Pilipino Star NGAYON’s assistant editor for entertainment. She is also a painter, make-up artist and works with some charitable organizations.

Must Read