Maine Mendoza naki-Tala Nation sa ASAP!?

-

Wow, naki-Tala dance craze si Maine Mendoza with boyfriend Arjo Atayde.

“‘The things I do for you.’ – Arsho #popster,” ang caption ni Maine sa kanyang TikTok video upload na shared din sa Twitter account niya.

Kaya naman naging busy ang popsters sa pagsi-share ng nasabing super cute moves ng mag-dyowa ng Tala dance craze ni pop superstar Sarah Geronimo.

Ang Tala Nation na pangungunahan ni Sarah ang ipantatapat ng ASAP Natin ‘To sa launching ng pinakabagong musical-comedy-variety program ng GMA na All-Out Sundays na kapalit ng Sunday Pinasaya mamaya, 12 p.m.

Magkakaroon ang ASAP Natin ‘To ng Tala flash mob kasama ang mga netizen mula sa iba’t ibang panig ng bansa!

Bibida naman sa AOS si Alden Richards with Julie Anne San Jose, Christian Bautista, Aicelle Santos, Mark Bautista, Rayver Cruz, Ken Chan, Rita Daniela, Gabbi Garcia, Derrick Monasterio, Miguel Tanfelix, Kyline Alcantara, Migo Adecer, Mavy Legaspi, Cassy Legaspi at JD Domagoso.

So mas suportado nga ba ni Maine ang Tala Nation ng ASAP na katatapat ng pagbibidahang bagong show ni Alden Richards sa GMA 7?

Kasalukuyan nang trending ang Tala ni Sarah sa Twitter. Released ang nasabing kanta ni Sarah noon pang 2015 pero recently lang ay nagkaroon ng dance craze.

To date, almost 29 million na ang views ng Tala music video sa YouTube.

Salve Asis
Salve Asis
Salve Asis is an entertainment columnist and editor of Pilipino Star Ngayon and Pang Masa. A member of the Cinema Evaluation Board, she’s one of the founders and officers of the Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED).

Must Read