Jolo Revilla and Angelica Alita tie the knot in California

-

Tinapos na ni Jolo Revilla ang kanyang pagiging bachelor. Nagpakasal na siya sa kanyang girlfriend na si Binibining Pilipinas 2016 first runner-up Angelica Alita.

Ginanap ang Christian wedding nila sa Pelican Hill, Newport Beach, California nung Linggo, December 15 ng hapon sa Los Angeles, California.

Ayon sa report ng Pilipino Star NGAYON columnist na si Gorgy Rula, hindi pa man nagsisimula ang seremonya ng kasal nina Vice Governor Jolo at Angelica ay sobrang emosyonal na ang groom.

Si Pastor Peter Kairuz ng 700 Club Philippines ang nag-officiate ng seremonya.

Ang Filipino designer na si Paul Cabral ang gumawa ng isinuot ng bride and groom.

The newlyweds

Inalalayan ni Mayor Lani si Angelica dahil wala ang ina nitong nasa Mindoro.

Ang tatlong kapatid na lalaki ni Angelica ang naghatid sa kanya.

Kuwento ni Mayor Lani: “This morning, nakaalalay ako sa kanya (Angelica) kasi sabi niya she was anxious.

“So, inalalayan ko lang siya, pina-relax kasi alam ko ninerbiyos siya.

So, sabi ko sa kanya wala man si Mama 1, nandito si Mama 2. So, Mama 2 will take care of you.”

Napabilib si Mayor Lani sa ginawang pag-o-organize ni Jolo ng kanilang kasal.

“Ni-level up niya ang lahat ng peg ng mga ikakasal. Ang hirap nitong pantayan.

“We’re just happy that he planned his wedding well together with their wedding planners. This a perfect location for a wedding. Very intimate lang,” saad ni Mayor Lani.

Photo courtesy of Lito Sy

Ayon pa sa Pilipino Star NGAYON columnist, ayaw daw talagaang magpa-interview ng bagong kasal. Gusto nilang tahimik at very intimate lang talaga.

Nagma-martsa pa lang si Angelica ay nakita na ng lahat na naiiyak na ang groom.

Paunang mensahe ni Jolo kay Angelica, “Bebe, because of you and what you do, you made me a good man, thank you for loving me.

“You made me realize that I don’t need to become someone else and pretend to be someone else. Tanggap mo kung sino at kung ano ako.

 “Not all angels are in heaven, mine is here on earth, standing now in front of me, making sure my life would feel like I’m in heaven…forever. Basta kasama kita, saan man tayo pumunta, pakiramdam ko lagi akong nasa langit.”

Tumutulo na ang luha ni Jolo habang sinasabi niya ito: “I’ve never been so certain. Lagi nalang pabagu-bago ang isip ko sa mga bagay pero sa ‘yo, sigurado ako.”

Maging ang mga taong um-attend sa kasal ay naiyak na rin.

Dagdag pa ni Jolo, Akala ko noon, wala nang magmamahal sa akin. Akala ko wala nang mahuhulog at mai-in love sa akin. Pero napakabuti ng Diyos binigyan ako ng anghel na walang pakpak, at ikaw yun!

“I promise to be a good husband, good father to Gab and to our future children.

“I promise to honor you, take care of you and be with you for the rest of my life.”
Ginantihan naman ni Angelica ang mga sinabi ni Jolo: “You know it’s true what they say, you know he’s the one when you see him, you’ll just know. This day is valid proof that it’s true.

“I may appear strong to many but you know my weaknesses and I love you for that. Thank you for making it up for the things that I can’t.”

Nangako rin si Angelica na aalagaan niya ang anak ni Jolo na si Gab at ituturing na kanyang anak.

Sabi niya, “I know Gab is a big part of your life and I promise to God to love and care for him as my own.

“Today, I vow to know myself as you and you as myself.

I promise to dream with you and be your biggest supporter, to encourage you and to stand by you from this day forward.”

Pangako pa niya sa kanyang mapapangasawa: “Jolo, hindi ka na iiyak mag-isa. At higit sa lahat salamat sa  Panginoon for directing you to me because now, I have finally found my heaven on earth with you and Gab by my side. Mahal na mahal ko kayo. Mahal na mahal kita.”

Labing-anim na pares ang ninong at ninang. Ilan sa mga nakadalalo ay ang presidential daughter Mayor Sara Duterte-Carpio, dating Sen. Jinggoy Estrada, Cong. Martin Romualdez, Gov. Jonvic Remulla, Pampanga Vice Gov. Lilia Pineda, at mga tita ni Jolo na sina Coun. Rowena Bautista-Mendiola, Mrs. Chaye Cabal-Revilla, Rebecca Bautista-Ocampo, at ang asawa ng tita Andeng niyang dating Antipolo Mayor Junjun Ynares.

Debbie Castillo
Debbie Castillo
Debbie Castillo is Pilipino Star NGAYON’s assistant editor for entertainment. She is also a painter, make-up artist and works with some charitable organizations.

Must Read