Gulo ng mga Barretto magiging history ng showbiz

-

Iyon nangyari sa burol ni Mr. Mike Barretto will go down the history ng showbiz news as one of the most shocking incidents.

Kaloka na hindi man lang iginalang ang patay at sa harapan pa ng Presidente natin, Pres. Rodrigo Duterte.

Dapat isa sa kanila umiwas na para hindi umabot sa physical o masasamang salita ang pangyayari. Sandaling oras lang iyon, hindi sana na-exposed sa tao ang sobrang galit nila sa isa’t isa.

Sabi nga, don’t do things you will regret later, sana talaga umiwas ang isa kila Gretchen at Marjorie Barretto para hindi umabot sa ganito.

ATONG ANG DAWIT… Marami ang nagtatanong kung bakit si Atong Ang at hindi si Tonyboy Cojuangco ang kasama ni Gretchen Barretto anng pumunta siya sa burol ng tatay niya.

Ngayon tuloy, na nag-post ng kanyang side si Marjorie at nagsabi na meron siyang ilalabas about her sister at boyfriend, nagkaroon ng kulay ang pagsama ni Atong Ang kay Gretchen Barretto.

Mukhang hindi dito magtatapos ang teleserye ng Barretto family, parang meron pang magaganap na mga twist na hihintayin ng publiko.

Till the next chapter.

Lolit Solis
Lolit Solishttp://#
Lolit Solis is a veteran and popular columnist, commentator, star builder and talent manager. After earning her Journalism degree from the University of the Philippines, she started as a reporter in the ’70s, submitting to komiks outlets. Her unfiltered views and opinions are often sought out and quoted by news media.

Must Read