Arshie Larga gives out P500 fuel support to 1,169 tricycle drivers in Marinduque

-

Namahagi ng P500 na fuel support ang content creator na si Arshie Larga sa 1,169 na tricycle drivers sa kanilang lugar sa Boac, Marinduque.

“In total po, nakapagbigay po tayo ng P500 na fuel support sa 1,169 members ng TODA dito samin sa Boac, Marinduque,” wika ni Arshie sa kanyang recent video sa social media platform na TikTok.

Kasabay nito, nagpasalamat din ang content creator para sa mga tumulong na maisakatuparan ang kanyang initiative.

“Gusto ko pong magpasalamat sa inyo dahil kung hindi po din dahil sa inyo ay hindi ko naman po magagawa ang initiative na ito,” wika niya.

Kaugnay nito, nilinaw naman ni Arshie na wala siyang ibang intensyon kundi magpaabot lamang ng tulong sa mga tricycle drivers.

“Wala po akong ibang intensyon basta tumulong lamang po sa isa sa mga sektor na pinakaapektado ng krisis na ating kinakaharap ngayon,” saad niya.

Sa naturang video, makikita rin na nagpasalamat ang mga tricycle drivers sa naging initiative ni Arshie.

“Sir, salamat po sa gasolina na libre. Ingat po kayo lagi,” pahayag ng isang driver.

Kilala si Arshie bilang isang pharmacist at content creator sa social media platform na TikTok.

Sa kanyang mga contents, featured din ang pagbibigay ng libreng gamot ni Arshie sa mga bumibili sa kanilang botika sa Marinduque.

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE