“Sumakses” na ang Kalokalike Face 2 finalist na si Christopher Diwata aka “Taylor Lautner” matapos makabili ng sarili niyang sasakyan.
Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Christopher na pangarap niya umanong ipag-drive ang kanyang pamilya.
‘PANGARAP K[O]NG IPAGDRIVE ANG PAMILYA KO NA MASASABI K[O]NG SAMIN’ 🥹👏🏼
— Pilipino Star Ngayon Digital (@psngayondigital) June 4, 2025
Ito ang saad ni Kalokalike Face 2 finalist na si Christopher Diwata aka ‘Taylor Lautner’ matapos nitong ibahagi sa social media na nakabili na siya ng sarili niyang sasakyan. pic.twitter.com/ilIccgrUL9
“Pangarap [kong] ipag-drive ang pamilya ko na masasabi[kong] samin. Thanks God,” pahayag ni Christopher.
Kaugnay nito, feeling grateful din si Ronalyn Diwata, ang asawa ni Christopher, para sa mga supporters nito.
Ayon kay Ronalyn, dream come true para kay Christopher ang magkaroon ng sarili niyang sasakyan.
“Thank you sa mga sumuporta sa asawa ko mula noon until now, dahil po sa inyo natupad niya unti-unti pangarap niya,” saad ni Ronalyn.
“Hindi na siya ma-stress sa byahe papunta ng mga event niya,” pahayag nito.

Kasabay nito, sinabi din ni Ronalyn na pinangalanan nila ang kanilang bagong sasakyan bilang si “Vela.”
Matatandaan na kamakailan lamang ay nag-viral sa social media ang iconic “What haffen, Vela?” line ni Christopher mula sa kanyang talent portion sa segment na Kalokalike noong taong 2013.
Matapos mag-viral, sunod-sunod nang nagkaroon ng iba’t ibang brand deals si Christopher.
“Kung wala ’yon, wala po ako sa kinakalagyan ko ngayon,” pahayag ni Christopher.
Samantala, tila ikinatuwa naman ng mga netizens ang recent achievement ni Christopher.
“Super deserved po. You are blessed,” komento ng isa.
“Deserve! More blessings to come, Sir!” dagdag pa ng isa.