Kim Molina reveals how Jerald Napoles made the engagement ring himself, ‘proposed’ first to her parents

-

Tila maraming netizens ang napa-”sana all” makaraang i-reveal ng aktres na si Kim Molina na mismong ang kanyang fiancé na si Jerald Napoles ang gumawa ng kanilang engagement ring. 

“Days after he proposed, he made me watch this video of him making the ring himself,” wika ni Kim.

“He told me that it was 2023 when these clips were taken, but due to some unexpected circumstances, lagi nauudlot ang proposal and he kept the ring from me in secret for more than a year… and it was only this year 2024 when he finally got to pop the question,” dagdag pa niya.

Ayon kay Kim, hindi umano niya inaasahan na magiging very detailed si Jerald pagdating sa pag-plano ng proposal. 

“My love, never have I imagined how detailed you were on this,” wika ni Kim. 

Matatandaan na nag-propose si Jerald kay Kim noong August 11. 

Jerald “proposes” to Kim’s parents

Samantala, bago pa man mag-propose si Jerald kay Kim ay tila “nag-propose” muna ito sa mga parents ng aktres.

Sa video kung saan makikita ang preparations ni Jerald para sa proposal, makikitang tinawagan nito ang mga magulang ni Kim upang humingi ng kanilang blessing. 

“Hihingi po ako sa inyo ng blessing dahil,” wika ni Jerald at ipinakita nito ang singsing.

“Love you… I love you both. Kasama kayo sa minahal ko, bukod kay Kim. Matagal na tayong pamilya at kaya ako ngayon ay nagpo-propose din sa inyo,” mensahe niya sa mga magulang ni Kim.

“Gusto ko rin kayong makasama habang buhay. Kung maari lang, mabigyan niyo ako, bukod sa blessing ng Diyos, ay mabigyan ako ng blessing ng magulang ng aking minamahal na si Kim,” dagdag pa ng aktor.

Kaugnay naman nito, pinasalamatan din ng mga parents ni Kim si Jerald. 

“[…] Pinag-usapan na namin ni mommy ‘to na… Kampante na kami kay Kim. I’ve been waiting for this, actually. Nakita ko naman Je, kung paano mo inalagaan si Kim. […] Thank you din sa pagmamahal mo sa anak ko. I consider you also a blessing to my daughter,” pahayag ng ama ni Kim na si Ron. 

“You are very much welcome sa family. […] Thank you Je sa… Thank you for the love, at saka love samin, thank you,” wika naman ng ina ni Kim na si Myra.

Kwento ni Jerald, umabot ng halos isang taon ang kanyang pagpa-plano para sa proposal.

“10 taon kong hinintay na magkaroon ng kakayahan at pagkakataong magawa ito, 1 taon at mahigit kong pinlano para maging espesyal. 4 na beses naudlot dahil sa mga pagsubok. At nagkaroon ng isang araw para sa wakas, makamit ang inaasam at maibigay sa pinakamamahal,” saad ni Jerald.

“Hindi maagaw nang kung sinu-man ang kaligayahan at pagmamahal na naramdaman sa isa sa pinaka importanteng araw sa ating buhay. Mahal kong Kim, hanggang dulo… habambuhay,” mensahe pa nito kay Kim.

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE