Vice Ganda recalls heartbreaking experience with ex-partner

-

It’s Showtime host na si Vice Ganda, nag-share ng heartbreaking experience patungkol sa kanyang ex-partner.

Sa segment na “Expecially for You,” idinetalye ni Vice ang kwento sa kanyang ex-boyfriend na nagpabili umano ng Playstation nang makauwi siya sa Pilipinas galing sa Guam. 

“6 months ako sa Guam, performer ako dun. So nire-renew ako nung manager ko na gusto nila another 6 months… ’Di ka uuwi. Sabi ko, ’Hindi, gusto ko na umuwi kasi mamatay na ko, gusto ko na makasama yung jowa ko,’” sey ni Vice.

“Pagdating na pagdating ko… sinundo ako sa airport, diretso kami ng SM North para bumili ng Playstation. Kasi gusto niya ng Playstation,” kwento ni Vice. 

“[…] Pag-uwi namin […] nakikipaghiwalay siya kasi may nabuntis siya. Pero nagpabili pa siya ng Playstation,” wika pa nito.

Kwento ni Vice, kinuha pa umano ng kanyang ex-partner ang kanyang mga dalang pasalubong.

“Kinuha niya pa lahat… Yung pasalubong ko, na lahat, kinuha niya. Pero nung gabi, nakabuntis siya. Sinabi niyang, ’Meron akong girlfriend, tapos buntis siya,” pagpapatuloy pa niya. 

“Hindi naman sa pag-aano, pero oo, pasalubong. […] Kung ikaw kukunin mo pa ba yun?” dagdag niya.  

“Ta’s alam mo… ‘Di hindi na kami nagkita, ilang years ta’s naging artista ako, napunta ako sa Showtime, nakita ko siya nakapila siya ng ‘Girl, Boy, Bakla, Tomboy.’ Nag-theater tour kami sa Gateway, pagkita ko, nakapila siya, ta’s kasama niya yung anak niya tyaka yung asawa niya,” kwento pa nito.

Ngunit sa kabila ng kanyang heartbreaking experience ay nagpasalamat pa rin si Vice sa kanyang ex-partner.

“[…] Pero napag-uusapan lang naman, ako, [dedma] na yun pero thank you because you prepared me to be who I am right now. That situation prepared me to be this kind of person now,” saad ni Vice.

“Thank you for fooling me and leaving me because that led me to my Ion now,” pasasalamat ni Vice.

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE