Ibinahagi ng vlogger na si Vivien Faye Iligan-Velasquez, o mas kilala bilang “Vien,” ang kanyang rhinoplasty at chin implant journey kamakailan.
Sa kanyang ini-upload na TikTok video, sinabi ni Vien na matagal niya na umanong gustong mag-undergo sa nasabing procedure.
Kwento ni Vien, nagpaalam din siya sa kanyang husband na si Marlon Velasquez Jr., o mas kilala bilang “Junnie Boy,” bago tuluyang magpa-rhinoplasty.
“Ito talaga yung mga gustong-gusto kong gawin, matagal na. And two years ago… Two years na simula nung pinayagan ako ni Dad (Junnie) na magpa-rhinoplasty,” saad niya.
“I’m happy, super happy, kasi ito yung gustong-gusto ko and pinayagan naman ako ni Dad. ‘Di ko naman to gagawin kung hindi ako pinayagan ng asawa ko. Eh pumayag naman siya… last February 2022,” dagdag pa niya.
@vien.iligan Finally ✨?? Happy Valentine’s Day! ?
♬ original sound – Vien – Vien.Iligan
Kaugnay nito, shinare din ni Vien ang ilan sa mga kaganapan bago ang kanyang procedure.
“Ang wini-wish ko, maging successful tong surgery. Maging smooth kasi syempre. Pinagdadasal ko din yung doctor ko na gabayan siya ni Lord. Pinagdasal ko naman yung ano ko, surgeon ko na… Yun, na magawa niya, maging smooth yung aming surgery. Maging maayos yung nose job ko, yung rhinoplasty, and chin. Para alam mo yon, maganda yung kalabasan. Binibigay ko na,” pagbabahagi ni Vien.
Tila supportive husband naman si Junnie sa rhinoplasty journey ni Vien.
“Bye Vien, hello Faye. Si Faye na siya. Faye na tatawag ko dyan,” biro niya.
Sa ngayon ay hindi pa fully inire-reveal ng vlogger sa social media ang naging resulta ng kanyang rhinoplasty.