14-year-old Filipina Elisia Parmisano first to secure debut spot in ‘Universe Ticket’

-

Gumawa ng history ang 14-year-old Filipina na si Elisia Parmisano bilang kauna-unahang contestant na naka-secure ng debut spot para sa upcoming eight-member K-pop girl group, sa South Korean survival show na “Universe Ticket.” 

Sa episode ng naturang show na umere noong January 10, na-secure ni Elisia ang debut spot matapos nitong masungkit ang “P” ranking, ang pinakamataas na ranking sa survival show.

Samantala, maliban pa kay Elisia, kasalukuyan ding on the run ang isa pang Filipina trainee na si Gehlee Danca para sa natitirang seven debut spots sa nasabing girl group.

Kaugnay naman nito, inulan ng congratulatory message si Elisia mula sa iba’t ibang celebrities at mga fans.

Sa isang Instagram post, inihayag ng singer na si Regine Velasquez ang kanyang pagiging proud kay Elisia. 

“This little girl is all grown up now and making a name for her self in the K-pop world  Congratulations Elisia we are very proud of you @insta_mug,” pagbati ni Regine sa kanyang post.

“OMG MIRACLE all your hard work and sacrifice is paying off,” komento naman ni Dra. Vicki Belo sa naturang post ng singer. 

Maliban pa rito, nag-post din ng congratulatory message para kay Elisia ang aktres na si Marian Rivera sa kanyang Instagram story.

“Hi Elisia! Congratulations sayo. Naku, ipagpatuloy mo yang mga pangarap na yan at alam kong marami ka pang magagawa at mararating. Kaya naman God bless you more. We are so proud of you!” mensahe naman ni Marian.

Samantala, sa kasalukuyan ay hindi pa ini-rereveal ang pangalan ng naturang K-pop girl group.

Nakatakda namang mag-debut ang upcoming girl group na kinabibilangan ni Elisia sa ilalim ng F&F Entertainment.

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE