Vice Ganda sa ‘lolong hindi ako masyadong like’: ‘I still love you po’

-

Tila may naging special message ang TV personality na si Vice Ganda sa mga lolo na “hindi siya masyadong like,” sa noontime variety show na It’s Showtime, na umere kahapon, September 12.

Ito ay matapos mag-request ang isang contestant sa segment na “Mini Ms. U” kay Vice na i-shoutout umano ng TV host ang kanyang lolo.

“Nakakatuwa. Ang daming lolong nanonood sa akin. Ang daming lolong nakatutok sa akin, ‘di ba? At love ako ng mga lolos. Hi sa mga lolos na love na love ako. Love natin ang mga lolos,” wika ni Vice.

Matapos ito, dito na binanggit ni Vice na marami umanong nagsa-shout-out sa kanya sa social media.

“My god, sa social media ang dami nang nagsha-shoutout sa’kin. My god, I’m so relevant and famous. Lalung-lalo na ’yung mga lolo diyan na mahal na mahal ako,” pabirong hirit niya.

Dagdag pa ni Vice, kahit may mga lolo na hindi siya masyadong like, love niya pa rin ang mga ito.

“[…] Pati na rin sa mga lolong hindi ako masyadong like, I still love you po,” pahayag pa niya.

Vice on making lolos and lolas happy: ‘We love the elderly

Kaugnay naman nito, ipinaliwanag ng komedyante na kaya nila ipinapagpatuloy ang segment ng “Tawag ng Tanghalan” ay dahil ito umano ang pinaka-favorite ng mga lolo ang lola.

“Itong Showtime, kaya namin patuloy ‘tong ginagawa, lalong-lalo na yung ‘Tawag Ng Tanghalan,’ kahit may mga pagkakataon na yung ibang tao nagsasawa na sila sa ‘Tawag Ng Tanghalan,’ ang dahilan po kung bakit namin tinutuloy-tuloy ‘yung ‘Tawag Ng Tanghalan,’ kasi ‘yan ‘yung pinakapaboritong segment ng mga matatanda,” explain naman ni Vice.

“‘Yan ‘yung wala na silang gagawin. Nakaupo na lang sila sa tumba-tumba, makikinig lang sila ng mga kumakanta. Kaya ‘yun po ang ibinibigay namin sa mga matatanda,” pahayag pa niya.

“At ang isa sa mga pinakagustung-gusto naming pinagseserbisyuhan at pinag-aalayan ng saya ay yung mga matatanda nating nanonood sa atin. We love the elderly—our grandmas and grandpas. We love you lolos and lolas,” mensahe pa ni Vice.

Enrile’s comment on Vice, Ion ‘icing incident’

Kasabay naman ng message ni Vice sa mga lolo at lola, matatandaan na naging hot issue rin sa social media kahapon ang ginawang pahayag ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile patungkol sa controversial icing incident nina Vice at Ion sa segment na “Isip Bata” ng It’s Showtime.

Sa interview ni Enrile sa SMNI News, tahasan nitong tinawag na “bastos” ang komedyante.

“Ang binigay na katangian mo sa’yong lipunan ay hindi mo na tinitingnan ang kapakanan nung mga iba. Sarili mo na lang ang iniisip mo. Akala mo maganda ’yung ginagawa mo, pero bastos ka, bastos kang tao,” pahayag ni Enrile.

“Hindi lang walang decency kundi abusado, bastos,” pagpapatuloy pa ni Enrile.

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE