‘Tapos na ang pila?’: Joshua Garcia and Emilienne Vigier’s Instagram Stories spark dating rumors anew

-

Usap-usapan ngayon online ang actor na si Joshua Garcia and French-Filipino athlete Emilienne Vigier matapos mapansin ng netizens na tila may similarities ang isa sa mga photos na kanilang inupload sa Instagram Story.

Sa IG story ni Joshua, makikita ang isang TV habang palabas ang comedy series na Mr. Bean at himalayan salt lamp sa isang dim light room.

Tingin ng netizens, pareho ito sa Instagram Story na naunang inupload ni Emilienne, kung saan palabas naman sa TV ang comedy series na Superstore.

Agad naman nag-iwan ng kani-kanilang comments ang netizens patungkol sa separate posts ng rumored couple.

“Light off/light on but same,” saad ng netizen matapos nitong i-point out ang similarities sa IG stories nina Joshua at Emilienne.

“Netflix and chill?” wika naman ng isa. Ang isa naman, tila may biro sa mga fans ni Joshua: “Tapos na ang pila mga gurls.”

Matatandaan na nauna nang itinag ni Emilienne si Joshua sa isa sa kanyang mga Instagram photos.

Bukod pa diyan, pansin ng netizens na tila may pa-soft launch na rin ang rumored relationship nila after mag-share si Emilienne ng workout photos nila ni Joshua.

Nagsimula ang dating rumors ng dalawa matapos mapansin ng netizens ang similar background sa photos ng kanilang Palawan trip noong June.

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE