Alma Moreno idinemanda si Lolit Solis

-

As usual, puro tawanan na naman ang 38th episode ng Take It… Per Minute (Me Ganun) na napapanood sa Facebook page ng Pilipino Star Ngayon at Latest Chika every Tuesday ng 12 noon.

Napakaraming kuwento at blind items nina Lolit Solis, Cristy Fermin at Mr. Fu na hindi mo maririnig sa karaniwang showbiz talk show. Sa latest episode nga nito aired earlier, una nilang pinag-usapan ang kasalukuyang pinag-aawayan ng Barretto sisters.

Nagpalitan sila ng opinion tungkol sa magkasunod na pagpo-post ng pictures nina Claudine Barretto at Marjorie Barretto kasama ang kanilang Mommy Inday nang biglang nag-segue si Manay Cristy na may pinasalamatan na nagpasalubong sa kanya.

Doon na ibinuko ni Manay Lolit na idinemanda pala siya noon ni Alma Moreno dahil sa pasalubong.

Left photo: Alma Moreno. Right: Take It… Per Minute (Me Ganun) hosts Cristy Fermin and Lolit Solis.

“Diyan ako nademanda ni Alma Moreno noon…” simula ni Nay Lolit.

“Libel?” tanong ni Nay Cristy. “Oo! ‘Di ba nagpunta sila sa South America, shooting. Pagdating dito, narinig ko na binigyan ng pasalubong si ganito, tapos ako… wala! Walang dumarating. Hintay ako nang hintay sa pasalubong. Na ang pinamigay lang naman ay chocolate ha.”

“Dahil close ka kay Ness (Alma) di ba?” singit ni Nay Cristy. “Sayo ko sinulat ‘yun eh! Nag-open letter ako. Tsuuk! Dear Alma… Chu, chu, mga sumbat-sumbat… Naku ‘day! Dinemanda ako ng Libel ng bakla! Hahaha! Dahil lang ‘yun sa chocolates na ‘yun ha na puwede ko namang bilhin.

“Tapos si Alma that time, very sensitive. Sabi talaga ni Daboy (Rudy Fernandez), ‘Alam mo, Lolit, kung sinabi mo lang sakin, kahit sampu niyang chocolates. Eh paano ko ngayon kakausapin si Ness, kahihiwalay lang namin. Alam mo naman ‘yun, bakekang ‘yun. ‘Pag kinausap mo lalong…’

“Pero later on, ginanun (ni-withdraw) niya rin. Meron pa kasi ako sa open letter na ‘kaya ka hiniwalayan ni Rudy dahil ganito,” kwento ni Nay Lolit na tawang-tawa ang lahat ng mga nanonood.

Isa si Alma sa mga artista na talagang minahal nina Nay Lolit at Nay Cristy. “Sabihin na nating kapos sa edukasyon, sabihin na nating may mga kahiya-hiyang pinaggagawa tungkol sa kanyang lengguwahe pero kapag nakilala mo si Alma Moreno, ikaw na ang dedepensa sa kanya.

“Mababait silang lahat, ang nanay niya pati ang kanyang mga kapatid. Mababa ang kanyang kalooban, hindi mo nakitang yumabang,” sabi naman ni Nay Cristy.

Nagkaayos naman agad sina Alma at Nay Lolit at sa huli nga ay puro papuri ang sinabi ng dalawang veteran columnist tungkol sa aktres.

Debbie Castillo
Debbie Castillo
Debbie Castillo is Pilipino Star NGAYON’s assistant editor for entertainment. She is also a painter, make-up artist and works with some charitable organizations.

Must Read