Cole Barretto bumuwelta kay Gretchen!

Inakusahang inagaw si Atong Ang!

Oh my God, nakakawindang na ang mga pangyayari sa ‘Barretto’ serye.

Kanina nga ay sinagot ni Gretchen Barretto sa kanyang IG story ang buwelta ng pamangking si Cole (Nicole) Barretto tungkol sa nangyaring gulo sa burol ng Barretto patriarch (Mr. Miguel Barretto) nung Miyerkules ng gabi habang nakikiramay si President Duterte.

Ayon sa post ni Cole: “I did not attack her. She and her boyfriend attacked my aunt (Marjorie) and I carried her to the other side so that she won’t hurt tita Marj,” patungkol kay Gretchen at sa sinasabing BF nito.

“She kicked me countless of times and even after I got away and was about to exit the chapel, she sprinted to me and pulled my hair so hard I almost fell to the floor. If somebody did not catch me, my skull would’ve been broken.”

A June 7, 2014 photo of Claudine Barretto (right) with businessman Atong Ang and Nicole Barretto. Credit: Claudine Barretto Instagram

“Plenty of people witnessed it. I had my arms in the air to show I wasn’t doing anything to her. It’s just unfair that they control the media and twists the facts. I do not regret protecting my tita Marj. If I intended to hurt ‘tita’ Gretchen, I could’ve threw a punch. But I did not. I simply carried her,” sabi ni Nicole na posted sa IG story ni Gretchen tungkol sa kumalat na kuwentong nagsabunutan sila at may bumunot pa diumano ng baril.

Sinagot naman siya ni Gretchen ng “I was told by Atong ‘nilako si Nicole sa akin ng nanay nya.'”

Credit: Gretchen Barretto Instagram stories

Nakalagay pa sa IG story na: “Oh, I’m sorry. I was told that Nicole stole Atong from her aunt Claudine.”

Dagdag naman ni Nicole: “I just want to inform you that I wasn’t thrown to the States. I was there to move on from what Gretchen at Atong did to me. I’m stating the fact that my own aunt stole my boyfriend. The next travels to the states (were) for my education. Since I do have an education and finished a doctorate. Just so you know. Thank you po,” sagot ni Nicole sa kausap na hindi makikita sa nasabing post kung sino ‘yun.

Sinabi rin ni Gretchen sa nasabing IG story na magsasalita si Mr. Atong Ang sa mga tunay na pangyayari. “This is between you & your demons. keep me out of your pathetic state. Move on, nagwawala ka sa lalaking ‘di ka niligawan. Atong will make his statement. He can speak for himself. Atong is happily married, too.”

Hinihintay ngayon ang sasabihin ni Mr. Ang na nauna nang nakitang kasama nina Gretchen, Claudine, JJ at nanay nilang si Mrs. Inday.

Siblings Gretchen, Claudine and JJ with their mom Estrella ‘Inday’ Barretto. Credit: Claudine Barretto Instagram

Meanwhile, sinabi ni Marjorie na siya ang mag-uuwi ng urn ng kanyang ama after the cremation kanina umaga. “Hello Daddy. We are the last men standing. Everyone has left. I stayed with you till the end. Taking you home now, Dad.”

As usual may nagmalisya agad kaya ‘di niya pinalampas: “My Dad will be laid to rest in a columbarium tomorrow. We have to take him home tonight. My Mom is not here so we have to take him home for her. Everyone please relax,” sagot niya sa mga mabilis na nang-intriga.

Oww, kelan kaya matatapos ang drama ng totoong buhay ng mga Barretto? Tutukan kung aabot sa korte o matatauhan sila.

Samantala, habang sinusulat namin ito ay may nagsabing kakilala si Mr. Atong Ang na wala raw itong planong magsalita.

Scroll to Top