Jessy Mendiola natuto nang mahalin ang kanyang ‘hita’

-

Habang sa TV series lang na Sandugo ang ganap sa career ni Jessy Mendiola, inaabala niya ang sarili sa pagma-master ng pole dancing.

Pagkalipas nga ng tatlong taon, muling sumabak si Jessy sa pole dancing. 

“Pole dancing is empowering. Pole dancing is an art. Pole dancing is a form of fitness. Pole dancing encourages body confidence. Pole dancing is beautiful. After 3 years, I tried to do it again but this time may mga kasama ako and finally masasayaw ko na din ang #Señorita thank you @lizenriquezdesignstudios for our costumes! Watch my first ever #JessTry vlog episode with Dawn Chang & CD.”

Dahil daw sa pole dancing, mas minahal niya ang kanyang hita na dating pinag-iinitan ng kanyang bashers. 

“Ever since I started pole dancing, I’ve learned to love my thighs more. Thank you for helping me appreciate my strength and what my body could do. Every session is a step closer to being more confident and comfortable in my own skin.”

Maaalalang nabiktima si Jessy ng matinding body shaming nang manalo siyang FHM Philippines’ Sexiest Woman noong 2016.

Sobra-sobrang panlalait ang natanggap ng girlfriend ni Luis Manzano noon.

Aminado si Jessy na nagkaroon siya noon ng depression. Pero hindi siya nagpabaya. 

Tinulungan din siya ni Luis para maka-recover at subukan ang Muay Thai na isa sa kinahiligan ni Luis.

Ngayon nga ay balik siya sa pole dancing at mas minahal at na-appreciate ang kanyang katawan.

Bukod sa Muay Thai, pagsasayaw, nakahiligan na rin ng aktres ang scuba diving kung saan dumarayo pa sila ni Luis sa iba’t ibang diving spot ng Pilipinas.

Kasalukuyang nasa Taiwan si Jessy kasama ang kani-kanilang pamilya ng boyfriend para ipagdiwang ang 65th birthday ni Batangas Rep. Vilma Santos.

Debbie Castillo
Debbie Castillo
Debbie Castillo is Pilipino Star NGAYON’s assistant editor for entertainment. She is also a painter, make-up artist and works with some charitable organizations.

Must Read