Marami ang naantig sa ginawang gesture ng TV host na si Kim Atienza kung saan nag-offer siya na bayaran ang bill para sa therapy session ng isang netizen.
“Anyone na psychiatrist po? Need ko po consultation now kahit online. Please,” saad ng netizen na si Mayang sa kanyang post sa social media platform na Threads.
“I DM’d you. Tight hug,” tugon naman ni Kim.
‘I HEAR YOU AND I FEEL YOU’ 🥺🫂
— Pilipino Star Ngayon Digital (@psngayondigital) March 17, 2026
TV host na si Kim Atienza, sinagot ang gastusin para sa psychiatric consultation ng isang netizen.
“Anyone na psychiatrist po? Need ko po consultation now kahit online. Please,” tanong ng isang netizen. pic.twitter.com/gij3SsY8eW
Sa isa pang post ni Mayang, ipinakita niya ang kanilang naging conversation ni Kim kung saan nag-offer ito na bayaran ang bill para sa kanyang therapy session.
“Please schedule a session, I will pay for the bill. Tight hug ha,” saad ni Kim.
“Tell me if you have an appointment na ha? Mga 8 sessions yan. Ako na bahala,” dagdag pa nito.
Kasabay nito, nag-offer din ng ilang kind words si Kim para kay Mayang.
“I hear you and I feel you. I know it’s hard,” pahayag pa nito.
Sa kabilang banda, feeling grateful naman si Mayang para sa naging gesture ni Kim.
“Kuya Kim, thank you so much from the bottom of my heart. Your kindness came at a time when I felt so weak and lost. What you did didn’t just help me financially—you gave hope and comfort to someone who was silently fighting her battles,” wika ni Mayang sa kanyang post.
“I will never forget this moment. May God bless you even more for the compassion you showed today. What may seem simple for you meant so much more to me,” dagdag pa nito.
Samantala, umani naman ng papuri mula sa mga netizens ang ginawa ni Kim.
“Kuya kim taking care of someone’s baby,” wika ng isa.
“I just know Emman would do the same,” saad pa ng isa.
Nauna na ring inimbitahan ni Kim sa kanyang programang “Tiktoclock” ang isang netizen na nag-viral ang pahayag sa isang Thread post.
Kasunod nito, personal na nagkita ang dalawa sa naturang show.
Matatandaang pumanaw ang anak ni Kim na si Emman Atienza noong October 2025.